in

Tindero ng gulaman at isda pinamangha ang mga netizens sa napunong isang drum ng pera na kanyang inipon

Nang dahil sa sipag at tiyaga, 22-anyos na lalaki ang nakaipon ng limpak-limpak na pera na nilagay sa isang drum.

Mula sa pagtitinda ng gulaman at paglalako ng isda, hindi namalayan ni Gerdan Tolero mula Tondo, Maynila. Na malaki na pala ang kanyang naiipon.

Itinatago ni Gerdan ang mga bente pesos mula sa benta ng kanyang tinitindang isda at gulaman sa isang drum na ginawang alkansiya.

Ayon pa kay Gerdan  nakapagdesisyon siyang mag ipon dahil na rin sa nangyaring sun06 sa kanilang bahay. Kung saan ang buong pamilya niya ay walang wala talaga.

Naging inspirasyon niya ang paghihirap nila nakaraang taon upang maka-ipon kaya naman nagtinda siya ng Isda at Gulaman.

Naabo aniya ang lahat ng kanilang gamit at tanging P1,000 lang ang natira sa kanyang ipon noon.

Doon niya naisipang dumiskarte para makabangon, at nagsimulang magbenta ng mga drum na kanyang binibili mula sa mga bakery.

Nang makakita ng oportunidad na bumili ng side car ay lumipat naman si Gerdan sa pagbebenta ng gulaman, hanggang sa lumago ito at naisipan naman niyang magbenta ng isda.

Nitong Enero 2021 ay nakakita ang vendor ng drum na 30 litro, at dito niya naisipang punuin ito ng P20 bill na kanyang kinikita sa pagiging gulaman at fish vendor. Hindi binahagi ni Tolero kung magkano ang kanyang naipon ngunit sapat na aniya ito para makabili ng second hand na kotse.

“‘Pag gumastos po ako iniisip ko kung talagang kailangan po, ‘yong mga wants, luho, ‘di ko po muna pinapasok. Talagang wala sa isipan ko,” saad ni Gerdan.

Ayon sa ina ni Gerdan na si Gemma Tolero, pangatlong beses na ito. Na napuno ng anak ang alkansiyang drum.

Ina ni Edgar Allan Guzman, naging emosyonal dahil sa bagong bahay na iniregalo ng aktor

Asawa ng Dating Aktor na si Alfred Vargas na si “Yasmin” Naging Viral Ulit sa Social Media Dahil sa Bagay na ito?