in

Liza Soberano pinaghihinalaang buntis ng mga Marites dahil sa kanyang latest photo

Nang dahil sa Christmas photos nila ng nobyong si Enrique Gil, Liza Soberano hinihinalang buntis ng mga netizens.

Tampulan ngayon ng mga Marites sa social media ang latest photo upload ng Kapamilya actress. Kuha ito mula sa ibang bansa kung saan ipinagdiwang nila ni Enrique ang araw ng Pasko.

Sa nasabing larawan, nakasuot ng brown coat si Liza na nakaribbon ang tali sa bandang tiyan niya. Kaya naman aakalain na may baby bump ang aktres.

At ito na nga ang agad napansin ng mga netizens na nakalathala sa Facebook page na ‘ISYUS’

Sa nasabing post, isang netizen ang nagtanong kung buntis nga ba si Liza. Makikitang sagot naman dito ay busog lamang ang aktres dahil sa mga nakaraang handaan.

Bwelta naman ni Marites ay kapansin pansin daw kasi sa mga post ni Liza sa Instagram na laging nakatakip ang tiyan nito. Wala rin umanong bagong upload ang dalaga.

Sinabi rin nito na grabe naman daw sa kabusugan ang naging itsura ni Liza sa larawan nila ni Enrique.

Maraming fans naman ni Liza ang agad siyang ipinagtanggol sa comment section.

Narito ang ilan sa kanilang reaksyon:

“malaking babae kasi sya kaya pag nakain madami mukhang busog. relate much”

“Juskopo tlga mga Marites ngayon gnyan. Busog ka lng o hndi mkpag exercise, issue agad.”

“Hirap pag pasko napakain ka lang, Buntis ka na”

“Buntis o hindi walang problema. Kng buntis man edi party party isang enrique lang nman ang nakabuntis. At marami silang pera kaya nila buhayin anak nila. At kung hindi man edi better luck next time.”

Dennis Padilla Inaasam na Makasama sa Isang Proyekto ang Anak na si Julia Baretto.

Ina ni Edgar Allan Guzman, naging emosyonal dahil sa bagong bahay na iniregalo ng aktor