in

Ina ni Edgar Allan Guzman, naging emosyonal dahil sa bagong bahay na iniregalo ng aktor

Naiyak sa lubos na kasiyahan ang ina ng aktor na si Edgar Allan Guzman dahil sa sorpresang hatid niya.

Sa Instagram video ni EA, makikita ang naging reaksyon ng kanyang mommy na si Sarrie. Nang makita ang kanilang bagong bahay na pinaghirapan ng aktor.

Sa nasabing video, makikita na may takip sa mga mata nang bumaba sa kotse si Mommy Sarrie, habang inaalalayan ng aktor.

Nang nasa tapat na sila ng bagong bahay, inalis na ni Mommy Sarrie ang piring. At sinabi sa kaniya ni EA na, “Merry Christmas, Ma, bahay mo.”

Wala nang nasabi si Mommy Sarrie at napayakap na lang sa anak at hindi napigilan ang kanyang pag-iyak.

Tanong ng aktor sa mama niya, “Natuwa ka? Happy ka? Halika akyat tayo sa itaas.”

“Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas,Ma! Enjoy our new house, AKO NAMAN MA,” saad ng aktor sa kanyang caption.

Kasama ni EA sa ginawang pagsorpresa sa ina ang ilang kaanak at ang kaniyang nobya na si Shaira Diaz.

Sa isa pang post, magpakuha sila EA sa harapan ng bagong bahay at nilagyan niya ng caption na, “Dream come true.”

Ilan sa mga naging proud kay EA para sa bonggang regalo sa kanyang ina ay sina Heart Evangelista, Kris Bernal, Rodjun Cruz, at Mark Herras.

Liza Soberano pinaghihinalaang buntis ng mga Marites dahil sa kanyang latest photo

Tindero ng gulaman at isda pinamangha ang mga netizens sa napunong isang drum ng pera na kanyang inipon