in

Dennis Padilla Inaasam na Makasama sa Isang Proyekto ang Anak na si Julia Baretto.

Matagal na pa lang inaasam ng Komedyanteng si Dennis Padilla na makasama sa isang proyekto ang anak na si Julia Baretto.

Ayon ito sa isang panayam kay Dennis na PUSH, Sinabi din ng Komedyante na masayang masaya siya ngayon sa Career na kanyang anak na si Julia Baretto. Si Julia Baretto ay ang panganay na anak ni Dennis Padilla kay Marjorie Baretto.

Viva Artist Agency na humahawak ngayon kay Julia na kung saan ay masasabi nating maganda ang takbo ng Career ng aktres.Ito ay matapos magsara at mawalan ng prangkisa ang mother network nito noon na ABS CBN.

Ito rin ang management na humahawak sa kanyang ama na si Dennis Padilla kaya nasabi ni Dennis na baka ngayon ay matupad na ang kanyang kagustuhan na makasama sa iisang project ang kanyang anak na si Julia.

“Happy ako na nasa Viva Family na si Julia”

“Siyempre you have to move on, kasi siyempre nagsarado ABS-CBN, so kailangan mo magtuloy ng paghahanap buhay.”

Kaya ngayon ay mas masaya si Dennis dahil mas malaki ang chance na makakasama na niya si Julia sa iisang project na matagal na niyang pangarap.

Ani Dennis, “Alam mo dream ko ‘yun. Kasi halos lahat ng bida na babae naging anak ko na. Naging anak ko na si Toni Gonzaga, naging anak ko na si Sarah Geronimo, naging anak ko na si Erich Gonzales, naging anak ko na si Kathryn (Bernardo), sino pa ba? Lahat na halos ng lead actress naging anak ko na.”

“Yung tunay na anak ko na lang hindi ko nagiging anak sa isang movie or sa isang teleserye. So dahil nasa Viva na kami pareho, the chances are bigger. Masaya ‘yun. I believe aabangan nila ‘yun dahil tunay na magtatay, lalabas din sa project,” dagdag pa ng komedyante.

Video ni Mystica viral ngayon sa social media dahil sa galing nito magsalita ng wikang Ingles

Liza Soberano pinaghihinalaang buntis ng mga Marites dahil sa kanyang latest photo