in

Video ni Mystica viral ngayon sa social media dahil sa galing nito magsalita ng wikang Ingles

Viral ngayon ang lumang video ng singer actress na si Mystica kung saan ipinamalas nito ang galing niya a pag-e-english.

Sa nasabing video, makikita na ini-interview si Mystica ng isang American reporter. Mukhang isang dekada na ang nakalipas ng maganap ang nasabing panayam na iyon.

Tila naganap iyon noong mga panahon na sikat na sikat pa si Mystica. At may mga shows pa siya sa iba’t-ibang bansa.

Ang interview niyang iyon ay ginanap sa L.A. USA na kung saan pinu-promote niya ang kanyang US-album.

Hindi tulad ng mga karaniwang video ni Mystica, ang nasabing viral video na ito ay makikita ang husay niya sa wikang Ingles. Pwede pa nga siyang mapagkamalan na California native dahil sa kanyang accent.

Dire-diretso at walang pag-utal man lang ang pakikipag-usap ni Mystica sa foreign reporter. At kitang kita na namamangha din sa kanya ang interviewer.

Dahil diretsahan din ang kanyang mga sagot sa bawat tanong sa kanya nito.

Ang nasabing lumang video ay malayong malayo sa mga nagba-viral na video niya ngayon. Na kung saan ay nang-aaway siya ng iba’t-ibang personalidad.

Kitang kita kasi ang confidence niya ng mga panahon na iyon, at sa straight forward na sagot niya sa bawat katanungan ay kapansin pansin na siya ay very intelligent talaga.

Pero dahil na rin sa magulong buhay sa showbiz ay kalaunan ay unti-unti na rin nawala ang kanyang kasikatan at dahil na rin sa kagustuhan niyang makabalik showbiz nitong nakaraan ay panay rin ang kanyang pagpapansin at gumagawa ng issue kaya naman akala ng mga netizens ay nawala na siya sa katinuan.

Panoorin dito ang nasabing video:

Jessy Mendiola, may inamin tungkol sa pagkakaroon ng anak nila ni Luisa Manzano

Dennis Padilla Inaasam na Makasama sa Isang Proyekto ang Anak na si Julia Baretto.