in

Sarah Geronimo naging emosyonal ng awitin ang kantang ‘Sana Ngayong Pasko’

Hindi napigilan ni Sarah Geronimo ang maging emosyonal ng kantahin niya ang OPM Song na ‘Sana Ngayong Pasko’

Sa online Christmas concert ni Sarah kasama ang mister na si Matteo Guidicelli. Kitang kita ang punumpuno ng hugot pero napakagandang version ni Sarah sa OPM Christmas song.

Bago niya simulan ang pag-awit, sinabi ni Sarah na dedicated ang kanta para sa mga pamilya. Na hindi maipagdidiwang ng masaya ang darating na kapaskuhan.

Aniya, “Marami sa mga kapwa natin ang nawalan ng mahal sa buhay, ng trabaho, ng pag-asa, ng inspirasyon. There are also people who are away from their families this holiday season.”

Sumang-ayon naman si Matteo sa naging pahayag ng kanyang misis. Tungkol sa isang minamahal na lumayo. Na muling gustong makapiling sa araw ng Pasko ng nagmamahal sa kanya ang mensahe ng “Sana Ngayong Pasko.”

Habang inaawit ni Sarah ang hugot song na pinasikat ni Ariel Rivera noong 1993, mapapansing tila kinontrol niyang mabuti ang sarili para hindi siya mapaiyak.

Sa bahagi ng kanta na “Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako / Hinahanap-hanap pag-ibig mo. At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako / Muling makita ka at makasama ka / Sa araw ng Pasko,” hindi na nabigkas ng singer-actress ang salitang “Pasko.”

Matapos ang pag-awit ni Sarah sa napaka-sentimental na bersiyon niya ng “Sana Ngayong Pasko,”. Niyakap siya ni Matteo kaya nakapagsalita ang Popstar Royalty ng “Baka paiyakin mo.”

Nang maupo si Sarah sa sofa para pakinggan ang pag-awit ni Matteo ng “Pasko Na Sinta Ko,” nahagip ng kamera ang tila pagpapahid niya ng luha.

Ryzza Mae Dizon Pinasilip sa Netizens ang Pinapagawang DREAM HOUSE

Viral na Sandok Pera Challenge nila Vice Ganda,Naghatid ng GoodVibes sa Social Media