in

Pari na nagkasal sa Ex Girlfriend nito Viral ngayon sa Social Media

Nitong nakaraan naging viral sa social media ang vlog ng isang pari na kung saan siya mismo ang nagkasal sa kanyang dating kasintahan.

Iba’t-iba ang naging reaksyon at kumento ng mga netizens patungkol  sa vlog ng isang pari sa Batangas.

May mga natuwa sa kakwelahan ng nasabing pari na mula sa Batangas ngunit may iba namang dahil daw Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana ang dating magkasintahan.

Sa vlog ni Fr. Roniel Sulit, sinabi nitong kinakabahan siya sa mangyayaring  kasal ni Korina at Manuel.

Bago ang kasal, masaya naman nitong sinalubong ang ex nitong si Korina sa labas ng Sto. Niño Parish Church.

Di nagdalawang isip ang nasabing pari kung ano mismo ang naramdaman ng kanyang Ex Girlfriend sa araw ng kanyang kasal.

“Kinakabahan ako baka ilaglag mo ‘ko sa homily,” sagot ni  Korina.

Pabirong tanong ni Father sa kanyang Ex Girlfriend na kung sure na ba siya na gusto niyang pakasalan ang lalaking kasama niya sa harap ng altar at sinagot naman siya ng “OO”.

Hindi pa natigil doon ang mga pabirong tanong ng pari at sinabing “Anong mayroon si Manuel na wala ako?”

“Umayos ka nga! Nandyan mga kamag-anak niya,” sagot ni Korina. Nagtawanan naman ang mga tao sa loob ng simbahan.

Sa Homily ng misa, kinuwento ni Father ang nakaraan nila ni Korina pero nilinaw ni Father na Past is Past at hangad niyang maging masaya ang pagsasama ng mag-asawa.

Ayon pa sa pari, matapos ang kanilang relasyon ay naging mabuti silang magkaibigan.

Masasabi nga nating May mga Pinagtagpo ngunit hindi Itinadhana pero sa kaso nila Father Roniel at Korina, nauwi naman sa magandang pagkakaibigan ang kanilang bigong pagiibigan.

Kilalanin ang ate ni Kristine Hermosa na “Dyosa level” din ang ganda

Ryzza Mae Dizon Pinasilip sa Netizens ang Pinapagawang DREAM HOUSE