in

Nagpatibok ng puso at tatay ng magiging anak ni Angeline Quinto kilalanin!

Matapos kumpirmahin ni Angeline Quinto ang kanyang pagbubuntis, usap-usapan ngayon kung sino nga ba ang ama ng kanyang dinadala?

Sa naging panayam ni Angeline kay Boy Abunda, kinumpirma na nga ng Kapamilya singer actress. Na siya ngayon ay limang buwan ng buntis.

Kaya naman naging palaisipan sa mga netizens kung sino nga ba ang ama ng magiging anak ni Angge.

Matatandaan na sa mga nakalipas na panayam ni Angge ay inamin niyang non-showbiz ang nagpapasaya sa kanya ngayon.

At sa mga ilang naglabasang ulat, kinilala ang non-showbiz boyfriend ni Angge na si Nonrev Pelayo Daquina. 26-anyos na naninirahan sa tabing riles ng tren sa may Sampaloc sa Maynila.

Napag-alaman din na may tatlong anak na babae na raw si Nonrev mula sa dalawa nitong dating kinakasama.

Nagkakilala umano sina Angeline at Nonrev sa pamamagitan ng isang common friend na may tindahan ng motorcycle parts.

Nagtatrabaho si Nonrev sa casino at noong panahon na nagkakilala sila ni Angge ay may kasintahan pa ito.

Kinilala ang dati nitong nobya na nagngangalang Elisha. At ayon nga dito naniniwala siyang na-ghost siya ni Nonrev nang dahil kay Angeline.

Samantala, sa nasabing panayam ni Boy Abunda kay Angge, binahagi naman ng mang-aawit na inamin ni Nonrev sa kanya ang nakaraan nito. Tanggap naman umano niya ang kabuuan ng magiging ama ng kanyang panganay.

Awra Briguela, Taas noong pinagmalaki sa Social Media na napagtapos niya ang kanyang Ama sa Pag-Aaral.

Alwyn Uytingco ibinahagi ang naging masayang bonding niya kasama ang asawang si Jennica Garcia at dalawang anak