in

Awra Briguela, Taas noong pinagmalaki sa Social Media na napagtapos niya ang kanyang Ama sa Pag-Aaral.

Taas noong pinagsigawan ni Awra Briguela sa Social Media ang pagtatapos sa kolehiyo ng kanyang ama ng dahil sa kanyang tulong.

Maraming netizens ang napa “WOW” at humanga kay Awra dahil sa wakas natupad na ang pangarap ng kanyang ama na makapagtapos ng pagaaral sa tulong na din niya.

Sa kanyang guesting sa vlog ni Karen Davila, muling ibinahagi ni Awra ang saya na kanyang nadarama. Aniya biggest achievement umano para sa kanya ang mapagtapos sa pag-aaral ang kanyang papa.

Dahil sa kanyang kinita ay naipon mula sa kanyang Talent Fee sa kanyang pagaartista, dito niya kinuha ang lahat ng gastusin sa pagaaral ng kanyag ama. Nakapagtapos sa kolehiyo ang tatay ni Awra na si Oneal Brian Briguela noong April, 2019.

Sa kanyang post sa kanyang Social Media account na IG, makikitang sobrang proud niya itong pinagsigawan sa buong mundo. At kung gaano siya kasaya na natupad na niya ang matagal ng pangarap ng kanyang ama na makapag tapos ng pagaaral.

Sa interview sa kanya ni Karen, binalikan ni Awra ang tagpong yun sa bu’hay nilang mag-ama, “Nu’ng time po kasi na iyon, gustung-gusto talaga ni Papa nun ulit na bumalik sa pag-aaral.

“Kasi nga gusto niyang ipakita sa amin na kahit anong edad mo pa, puwede kang bumalik sa pag-aaral anytime.

“And gusto niyang patunayan sa amin na sobrang mahalaga talaga yung pag-aaral,” aniya pa.

Sinabi ni Oneal na ang kanyang anak ang nagpaaral sa kanya nang mawalan ito ng trabaho, mula sa isang interview noong 2017.

“Parang siya na po yung nagpapaaral sa akin. Baliktad na,” ani Oneal tungkol kay Awra.

“Simula lang po nung nawalan po ako ng trabaho ‘tapos nahiwaIay pa ako sa nanay niya, parang yun na lang naisip ko na magandang ipapakita sa mga anak ko,” sabi noon ni Oneal.

Narito at panoorin ang buong Video Interview ni Karen Davila kay Awra.

Malaking pagbabago ni Luis Manzano matapos ikasal, Ibinahagi ng kanyang misis na si Jessy Mendiola

Nagpatibok ng puso at tatay ng magiging anak ni Angeline Quinto kilalanin!