in

Karen Davila, napahanga sa pagiging praktikal ni Awra Briguela pag dating sa buhay.

Binisita ng batikang Journalist ng ABS CBN na si Karen Davila si Awra Briguela sa kanyang bagong bahay.

Ito ay ayon sa latest vlog ng sikat na newscaster at Journalist na si Karen, at nagkaroon siya ng pagkakataon na ma-house tour ang bagong bahay ni Awra.

Ito ay napaka espesyal dahil isang katuparan ng pangarap ito ng former Child SuperStar para sa kanyang pamilya. Mula sa kanyang mga pagsisikap, napagawan na niya ng sarili at magarang bahay ang kanyang tatay at mga kapatid.

Sa vlog na ito, makikitang inilibot ni Awra si Karen o nagHouse Tour sila sa bagong bahay ni Awra. Masasabi na malaki ang naipundar niya dito dahil bukod sa magandang bahay, magaganda din ang mga kagamitan at dekorasyon sa loob.

Mayroong foyer, waiting area, powder room at living room sa unang palapag. Malaki din ang kanilang kitchen at dining area.

Habang isinasagawa nila Awra ang kanilang House Tour, binahagi naman ni Awra ang kanyang mga humble beginnings. Nabanggit niya na noong elementary student siya, hindi niya daw ginagastos ang kanyang baon para magkaroon ng maliit na puhunan.

“Ganoon po kami before, sariling sikap ang money namin,” pagbabahagi ni Awra.

Nang matapos ishare ni Awra ang kanyang mga Future Plans ay hindi maiwasang Humanga ni Karen Davila sa kanya. Nakita ng broadcaster kung paano magsikap si Awra para sa kanyang pamilya.

“Very good, alam mo ang challenge kasi sa mga artista at mga sikat, alam niyo ba kung paano palaguin ang pera ninyo,” sabi ni Karen kay Awra.

Isa si Awra sa mga “rags to riches” na sumikat sa industriya ng showbiz.

Narito ang buong video ng Vlog ni Karen Davila.

Ruffa Gutierrez ipinagtanggol ang rumored boyfriend na si Herbert Bautista: “Height doesn’t matter”

Malaking pagbabago ni Luis Manzano matapos ikasal, Ibinahagi ng kanyang misis na si Jessy Mendiola