in , ,

Ruffa Gutierrez ipinagtanggol ang rumored boyfriend na si Herbert Bautista: “Height doesn’t matter”

Pag dating sa pag-ibig, may kanya kanya talaga tayong standards.

 

 

Pero itong si Ruffa Gutierrez, tila hindi masyadong binibigyan pansin ang pisikal na anyo ng kanyang mamahalin.

 

 

Kilala si Ruffa bilang “high standards” dahil hindi maitatanggi na laki sa yaman ang aktres. Mula sa kanyang personal care at mga mamahaling ari-arian.

 

 

Ngunit pag dating sa pag-ibig, mukhang hindi ganoon kataas ang batayan ng aktres pag dating sa pisikal na anyo.

 

Ito ang naging malinaw sa lahat nang sagutin niya sa social media ang naging komento ng kanyang ina na si Annabelle Rama.

Nag bigay kasi ng komento si Annabelle tungkol sa rumored boyfriend ng kanyang anak.

 

 

Komento nito, “Maliit pero mabait.”

Sa Twitter, walang pagdadalawang isip naman na sinagot ito ng aktres.

 

 

Aniya, hindi daw batayan ang height para sa kanya.

“Maliit?? Well, I’m 5’10 so more than half of Filipino men are smaller than me.”

Pagdidiin pa nito, “Besides, height doesn’t matter. Or does it?”

 

 

Ang nalilink ngayon sa kanya ay ang former mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista.

 

 

Aminado naman ang beauty queen-actress na inspired siya sa actor-politician. Ayon sa kanya,

“Of course, ini-inspire ako ni mayor. Matalino siyang tao. Intelehente. Si mayor really cares about my family. Inspiring siya because may sense siyang kausap and he gives the best advice. He’s my mentor sa buhay. Close kami pero wala kaming ’til death to us part.”

 

 

Ilang beses naring nakitang magkasama sa mga espesyal na okasyon ang dalawa.

Nagkasama ang dalawa sa series na pinagbidahan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na The House 4rrest of Us.

 

 

Sa nasabing project, mag-asawa ang naging role nila Ruffa at Herbert kung saan sila ang mga magulang ng karakter ni Kathryn.

 

 

Mauuwi nga ba sa totohanan ang pagiibigan ng dalawang karakter?

 

Ellen Adarna-Ramsay gusto na nga bang hiwalayan si Derek ng dahil sa sobrang pagbibiruan?

Karen Davila, napahanga sa pagiging praktikal ni Awra Briguela pag dating sa buhay.