in

Bagong larawan ng magkasintahang Cherry Pie Picache at Edu Manzano kinakikiligan ngayon sa social media

Muling nagbigay ng kilig ang love birds na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache sa mga bago nilang larawan.

Kamakailan nga ay sinariwa ni Cherry Pie ang naging masayang bakasyon niya sa United States kasama ang karelasyong si Edu.

Nagkaroon ng quality time ang magkasintahan sa kanilang U.S. trip. Base sa mga larawan na ipinost ng aktres sa Instagram nitong weekend.

Sa nasabing mga litrato ay kitang kita ang sweetness ng dalawang vetran artists. Ayon sa caption ni Cherry Pie ay kuha ang mga larawan na iyon sa Florida.

“My Winter Haven Florida visit was definitely heavenly!!!”

Nakipagkita rin ang aktres sa kanyang mga kaibigan at hindi nawawala si Edu sa mga larawan ni Cherry Pie kasama ang kanyang U.S.-based friends.

Kita rin ang sweet moments ng showbiz couple habang sakay sa yacht at pinapanood ang sunset.

Parang mga teenagers naman ang datingan ng magkasintahan dahil sa kanilang mga lambingan. Na nagbigay ng sobrang kilig sa marami nilang taga hanga.

Maraming showbiz personalities din ang nagpahayag ng saya at kilig sa post ni Cherry Pie kasama si Edu.

Halatang mas vocal si Cherry Pie kumpara kay Edu pagdating sa estado ng kanilang relasyon. Hindi kasi ito ang unang beses na nag-post ang aktres ng mga larawan kasama ang aktor.

Naging close sina Edu at Cherry Pie sa TV series na “Marry Me, Marry You”, kung saan sila ang parents ng bidang si Andrei, na ginampanan ni Paulo Avelino.

Dennis Padilla Viral sa Social Media matapos magbigay ng komento kay Ivana Alawi

Ellen Adarna-Ramsay gusto na nga bang hiwalayan si Derek ng dahil sa sobrang pagbibiruan?