in

AYUDA MAYAMAN VERSION: Ayuda box ni Gretchen Barretto may sausage at mamahaling cookies at chocolates!

Ganito pala ang ayuda ng mga mayayaman!

Kung ang pa ayuda ng gobyerno ay may mga de lata, noodles at bigas, kabogera naman ang kay Gretchen Barretto.

Hindi maitatanggi na kilala bilang sosyalera ang aktres na si Gretchen pag dating sa kanyang sarili. Mula head-to-toe ay mga mamahaling brands ang makikita kay La Greta.

Kilala din siya sa industriya bilang mahusay na aktres at pag dating sa personal na buhay ay angat din si Gretchen.

Kaya ganoon na lang din ang pagiging mapagbigay nito kahit sa kanyang mga kapwa artista. Sa katunayan, namigay ng ayuda box na talagang mapapa wow at sana all ka sa mga laman.

Ibinahagi ng kapwa multi awarded actress niya na si Aiko Melendez ang “Love essential” box na ipinamahagi ni La Greta.

Sa official Facebook page ni Aiko, makikita ang nasabing Love essential ayuda ni Gretchen.

Makikita ang ilang laman nito na may mamahaling sausage, butter cookies at isang malaking pack ng kilalang chocolate.

Bukod dito, meron pang ibang de lata, catsup, malking cheese, at mga gatas na pang rekado sa mga lulutuin.

Caption ni Aiko, “Thank you Gretchen Barretto and sis Ana Abieta Del Moral for always having me in your thoughts. Your generosity is so appreciated.”

Kabogera talagang ito si tita La Greta kahit kailan. Mapapa sana all na lang ang mga nag aasam na makatanggap ng ganitong laman ng ayuda.

Dating matinee idol na si Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawa niyang may malubhang karamdaman

Dennis Padilla Viral sa Social Media matapos magbigay ng komento kay Ivana Alawi