in , , ,

Dating magkasintahan muling nagkita at nagkabalikan matapos ang 20 taon, At sa hindi inaasahan ng lahat, Sa Kasalan din pala mauuwi ang lahat.

Sabi nga nila, Ang “ChildHood Memories” ay isa sa pinaka masayang bahagi ng buhay sa isang tao, narito ang wala kang poproblemahin sa araw araw, nagaaral, tuksuhan at kung ano pa man, Kaya naman dito nabubuo ang tinatawag na “PuppyLove”.

Dahil nga sa mga bata pa at wala pang masyadong alam sa mundo, ito ay hindi seryuso dahil sa pagdaan ng panahon maaaring ang inyong nararamdaman sa isa’t-isa ay maglaho. Tila hindi kumpleto ang iyong chilhood memories kapag hindi ka nga nakaranas ng mga ganitong yugto sa iyong buhay.

Ngunit may mga pagkakataon na kung sino yung Puppy Love mo noon, ay siya pala ang nakatadhana sayo, paghiwalayin man kayo ng ilang taon. Darating at darating ang tamang oras para magkrus ang inyong mga landas ulit.

Ito po ang naging kwento ng buhay ng mag-asawa ngayong Edil John at Melodie Lanticse. “Childhood sweethearts” silang dalawa noon ngunit nang kinailangang lumipat ng tirahan nina Melodie ay nawalan na rin sila ng komunikasyon. Sinong mag-aakala na makalipas ang halos dalawang dekada ay muli silang magkikita at ang pagkikita nilang ito ay magiging dahilan upang madugtungan ang kanilang naudlot na pagmamahalan at nauwi nga sa kasalan.

Ang LoveStory nina Edil at Melodie parehong 32 years old na ikinasal sa Cebu noong  Enero 28, 2021 ay naging viral sa social media dahil marami ang kinilig sa kanilang istorya.

Meron kasi silang larawan noon bata pa sila na para bang nagnanakaw ng halik si Edil kay Melodie. Muli nilang ginawa ito at ngayon nga ay sa kanila mismong kasal. Marami ang kinilig sa kanilang kwento. Ibinahagi ni Melodie na pareho silang pumasok sa iisang eskwelahan ni Edil noon ngunit nito lamang 2017 nang muli silang nagkita.

Ang social media na Facebook ang naging daan upang magkita at makapag usap muli ang dalawa, ngunit “As a Friend” noong una. Di nagtagal dahil sa consistent ang kanilang paguusap, muling nanumbalik ang matamis na pagtingin nila sa isa’t-isa.

Sa ngayon ay masayang nagsasama ang dalawa at naniniwalang sila ang nakatadhana sa isa’t-isa, dahil sa tagal ng panahon, muli silang pinagtagpo at pinag-isa ng Diyos.

Talaga namang marami ang napasaya at kinilig sa kanialng dalawa. Hindi talaga natin masasabi ang ating tadhana, minsan mas sobra pa nga ang ibinibigay sa atin kesa sa ating mga kahilingan.

Sa Wakas, Mister ni Roxane Barcelo ipinakita na ang itsura sa publiko matapos ang kanilang 2nd Wedding Anniversary.

Sikat na Singer, Ipinahayag ang nararamdaman sa publiko tungkol sa kanyang nakakabahalang karamdaman