in

Ruby Rodriguez masama ang loob, nagulat sa biglaang pag-alis sa kanya sa Eat Bulaga

Naglabas ng kanyang hinaing ang TV Host comedian na si Ruby Rodriguez ukol sa pagkawala niya sa Eat Bulaga.

Nasa Amerika na ngayon si Ruby at nagtatrabaho bilang normal na manggagawa sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.

Tatlumpu’t isang taong naging co-host ng Eat Bulaga! si Ruby kaya marami ang nagtaka nang hindi na siya makita sa longest-running noontime show ng T.A.P.E. Inc. na napapanood sa GMA-7.

Sa tuwing tinatanong siya tungkol sa pagkawala niya sa Eat Bulaga, “ask them” ang madalas na sagot ni Ruby dahil hindi rin niya alam ang sasabihin.

Nang makapanayam siya ng entertainment writers sa virtual media conference ng Viva Artists Agency. Bahagyang nag-isip si Ruby nang tanungin kung may pain o sakit na idinulot ang nangyari.

“Aaahh, paano ko ba sasabihin? Iniisip ko kung malaki o maliit.

“Hindi ko alam kung pain ang word or disappointed, kasi siyempre I’ve been with you for 31 years and just like that.

“I mean, walang pagpapahalaga ba? I mean, yun ang naging question ko lang,” sagot ni Ruby.

Dito ay mahihinuhang malungkot at may sama ng loob si Ruby sa pamahalaan ng longest-running noontime show sa bansa.

Ayon kay Ruby, sina Vic Sotto at Pauleen Luna raw ang unang nakakaalam sa kanyang plano na magtrabaho sa Amerika at hindi raw siya nakapagpa-alam sa iba pa niyang mga kasama.

Dahil biglang nagdeklara ng enforced quarantine noong March 15, 2020.

Hindi niya rin daw biglaan iniwan ang show kundi nag-file lang siya ng leave of absence.

Humbling experience para kay Ruby ang naranasan niyang pagkawala sa Eat Bulaga! dahil lalo raw tumibay ang kanyang relasyon sa Diyos at sa pamilya niya.

Pagpapakasal nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ikinabigla ng mga magulang ng aktor

Isang Basurero isinauli sa may-ari ang napulot na kalahating milyong piso