in , ,

Isang Basurero isinauli sa may-ari ang napulot na kalahating milyong piso

Kahit pa nangangailangan para sa gamutan ng kanyang anak, hindi nasilaw ang isang basurero. Sa napulot na perang nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.

Marami ang humanga sa katapatan ng basurerong si Emmanuel Romano sa Baliwag, Bulacan. Nang isauli niya ang halos P500,000 na pera na nakalagay sa plastik. Kasama ng mga kinolekta niyang basura.

Nangongolekta umano ng basura si Romano sa isang subdisyon nang mapulot ang isang plastik na supot na pinaglalagayan ng pera.

Nang malaman na pera ang nakalagay sa plastik, kaagad niya itong dinala sa barangay matapos ang kaniyang trabaho.

“Kinabahan po ako nung nakita ko po yung pera. Hindi ko po muna dinampot tapos po tinabi ko po muna sa isang gilid ‘di ko po muna pinakita sa mga kasamahan ko,” kuwento niya.

Napag-alaman na sa barong-barong lang nakatira si Romano at maysakit pa ang bagong silang na anak.

Sa kabila ng kaniyang kalagayan sa buhay, hindi raw sumagi sa isip ni Romano na pag-interesan ang pera.

Hindi raw talaga sumagi sa isip niya na pag-interesan o angkinin ang pera na hindi naman daw niya pinaghirapan. Isa pa, iniisip din umano ni Romano na baka mas nangangailangan kaysa sa kaniya ang mga tunay na may-ari nito.

Sa tanggapan ng alkalde ng bayan, nakaharap ni Romano ang may-ari ng pera. Sa tuwa ng may-ari, binigyan nila ng tulong pinansiyal ang basurero at nangako pa ng ibang tulong.

Dahil din sa katapatan ni Romano, niregaluhan din siya ng lokal na pamahalaan at ginawang regular sa kaniyang trabaho. Naipatingin na rin sa doktor ang maysakit niyang anak.

Ayon naman sa may-ari ng pera, naitapon ng kaniyang asawa ang plastik sa pag-aakalang basura lang ang laman nito.

Ruby Rodriguez masama ang loob, nagulat sa biglaang pag-alis sa kanya sa Eat Bulaga

Sa Wakas, Mister ni Roxane Barcelo ipinakita na ang itsura sa publiko matapos ang kanilang 2nd Wedding Anniversary.