in ,

Marites alta version daw, Angel Locsin tinuturong nagsumbong kay Kris tungkol sa post ni Herbert

Angel Locsin, kinaaliwan ng netizens dahil may pagka “Marites” din daw.

 

 

Sinong mag aakala na ang isang Angel Locsin ay matatawag ding Marites sa social media.

Ito ay matapos mapag alaman na ang real life Darna pala ang dahilan kung bakit nalaman ni Kris Aquino ang viral tweet ng kanyang ex-boyfriend.

 

 

Noong November 20, nag post si Kris sa kanyang Instagram tungkol sa naging sagot ng kanyang fiancé na si Mel Sarmiento.

 

 

Nag post kasi ang kanyang ex-boyfriend na si Herbert Bautista na tila pasaring sa Queen of All Media.

 

 

Banat ng former Secretary ng DILG, hindi daw dapat pinag-uusapan ang past in public.

 

 

Deleted na ang nasabing tweet ng Senatorial candidate. Gayunpaman, humingi din ng paumanhin ang actor kay Kris dahil sa pinost nito.

 

 

Sa Instagram naman nag post si Kris tungkol dito. Sa comment section, makikita na nag comment si Angel ng heart emoji.

 

 

Nag reply naman si Kris at nagpaalam pa na kung pwede daw ba niya sabihin na siya ang nag send ng screenshot kaya niya ito nalaman.

“Pwede ko bang i reveal na ikaw yung nagpadala ng tweet sa’kin?” saad ni Kris.

 

 

Dagdag pa niya, 5 AM ng madaling araw niya nabasa ang message ni Angel sa kanya.

Samatala, natawa naman ang netizens at tinawag na “Marites with a class” si Angel.

 

 

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“Marites alta version hahahaha! Hindi sila marites kasi FACT ang pinag usapan nila. Not fake news. My gosh. Maka react ka lang.”

“Ang tatalino ng nag cocomment na marites daw. DUH!! HINDI SILA MARITES. U MGA NAKIKICHIMSMIS DITO ANG MGA MARITES.”

“Nakakatawa ung tatawaging marites si Angel. Eh tayo, anong klaseng marites tayo? At least ‘yun sinumbong lang n’ya sa friend nya. Diba yan ginagawa ng normal na magkaibigan?”

“Hahahaha katakot magpadala ng scoop kay Tetay ibubuking ang source nya!”

Para naman sa iba, normal lang daw na ipaabot ng isang tao ang balita sa isang kaibigan.

 

 

“True! ang daming ginagawang big deal eh normal lang na paabot mo sa kaibigan mo kung may nakita/nasagap kang kumalat na balita tungkol sa kanya. Ang mali si Kris, nanglalaglag ng nagmalasakit na kaibigan. Alam nya maraming mainit kay Angel dahil sa pagiging vocal sa mga issues. What Kris did just add more opportunities for bashers to hit Angel.”

 

 

“Kris will find out one way or the other. Buti nga at may nagsabi sa kanya agad or else, tuloy tuloy syang gagamitin ng isa para sa kampanya. Sana lang, hindi na lang nya nilagay sa alanganin si Angel. Nagmalasakit na nga, napasama pa.”

 

Ryan Bang inamin na ikinahiya niya ang naging trabaho noon ng kanyang ina sa Korea

Pagpapakasal nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ikinabigla ng mga magulang ng aktor