in

Ryan Bang inamin na ikinahiya niya ang naging trabaho noon ng kanyang ina sa Korea

Hayagang inamin ng TV Host actor na si Ryan Bang na sumama ang loob niya noon sa kanyang ina.

Sa naging panayam ni Ryan sa vlog ni Ogie Diaz, ibinahagi niya ang mga mapait na karanasan noon sa Korea.

At isa na nga sa kanyang ibinahagi ay ang pagsama ng kanyang kalooban sa kanyang ina. Ito ay dahil ikinahiya niya ang trabahong pinasok nito noon.

Kwento ni Ryan namasukan daw kasi bilang isang dishwasher ang kanyang ina. Hindi naman daw niya ikinakahiya ang naging trabaho dahil marangal ito.

Nahiya lamang daw siya noon dahil sa restaurant na pagma-may ari ng pamilya ng kanyang kaklase namasukan ang kanyang nanay.

“Naalala ko elementary ako, bago bukas na restaurant, punta kami. Nakita ko mommy ko naghuhugas ng pinggan,” pagbabahagi ni Ryan.

Ayon pa nga sa aktor ay hindi niya alam ng mga panahon na iyon na nagtatrabaho pala doon ang kanyang ina.

Hindi rin naman daw umano siya nakita nito nang magpunta sila sa nasabing restaurant. Pinagsisihan din naman daw niya ang naging asal niya ng mga panahon na iyon.

“Hindi ko binati, umuwi na ‘ko, nahihiya ako.” Napahiya talaga ako… nahihiya ako noong panahon na ‘yon kaya napakasama kong tao,” pag-amin ni Ryan.

“Mommy, bakit sa lahat ng restaurant sa kaibigan ko pa? “Kaya nung umuwi siya nagagalit ako, bata kasi ako (noon) ‘di pa ako matured,” paliwanag pa niya.

Naikwento din ni Ryan na kailanma’y hindi siya nangutang sa sinoman, mapa-artista man ito o kakilala lamang

Ang pagkalubog daw kasi sa utang noon ng kanyang ama ang isa sa dahilan kung bakit sila naghirap sa Korea.

Kaya tumatak sa isip niya na hindi mangutang upang hindi na maulit pa ang paghihirap na naranasan niya noon.

Lotlot De Leon, May isiniwalat tungkol sa matamis na nakaraan nina Janine Gutierrez at Vico Sotto na hindi inaasahan ng lahat

Marites alta version daw, Angel Locsin tinuturong nagsumbong kay Kris tungkol sa post ni Herbert