in

Maui Taylor tahasang inamin na winarla daw ang nakatrabahaong aktres na ma-attitude!

Maui Taylor, nang warla ng aktres na nakatrabaho na may attitude!

Walang preno talaga ang aktres na si Maui Taylor pag dating sa mga katanungan na katulad nito.

Sa inupload na video ng komedyante na si Chad Kinis sa kanyang official Facebook page, nakasama niya si Maui.

Gumawa sila ng body shot challenge kung saan magbibigay ng katanungan na kailangan sagutin dahil kung hindi, kailangan nilang kunin ang shot.

Naitanong ni Chad ang sexy star kung meron daw bang nakasamang baguhang aktres ang may “attitude.”

Ayon kay Maui, wala daw sa mga nakasama niya sa ginawang proyekto sa Viva Films.

“Yung mga nakatrabaho ko na ni-launch ng Viva, Rhan Escano, Cindy Miranda, Sunshine Guimary, AJ Raval. Rose Van Ginkel… Sinong pinaka-attitude? Wala eh. Wala sa kanila,” sagot ng aktres.

Pero nang tanungin ni Chad kung may attitude daw sa mga nakasama sa idinerekta ni Darryl Yap, walang kabig na sinagot ni Maui:

“Ay naku meron, winarla ko siya talaga… Bulong ko sa inyo mamaya.”

Hindi sinabi ng aktres sa harap ng camera kung sino ito pero pinakitaan din daw niya ito ng ugali. Kahit daw ang buong set ay nagalit sa ma-attitude na aktres na ito.

Bumida si Maui sa movie na 69+1 na siyang dinerekta ni Darryl Yap.

Isang Matandang may kapansanan, matiyagang naghahanap buhay upang mapaayos ang nasirang Barung-Barong

Look-A-Like: Netizens Namangha Matapos i-Share ni Kylie Padilla ang Kanyang Lolo Na Tatay ni Robin Padilla