in , ,

Isang Matandang may kapansanan, matiyagang naghahanap buhay upang mapaayos ang nasirang Barung-Barong

May isang video na inupload ni Virgelyncares, ang nagviral sa social media na makikita ang isang matandang lalaki na si Tatay Jimmy ay kanyang tinulungan at ipinakilala.

SI tatay Jimmy ay isang matandang lalaki na may kapansanan sa paningin ay mula sa probinsya ng Tiwi, Albay. Matiyagang inilalako ni Tatay Jimmy ang kanyang panindang walis tambo sa lansangan, tirik man ang araw o umuulan ay di niya inalintana ang panahon para lamang kumita ng pera.

Sa presyong 110-120 pesos, 10 porsyento lamang ang kanyang nakukuha kada isang item na mabenta, 10-12 pesos lamang ito.

Bagamat maliit lang ang kita nito, hindi pa rin siya tumitigil sa paglalako para sa kaniyang pangarap na makapagpatayo ng barung-barong dahil mula ng masira ng bagyo ang kaniyang tahanan ay nakikitira na lamang siya sa kaniyang kamag-anak.

Sa kabila ng delikadong sitwasyon ni Tatay Jimmy na maari siyang masagasaan sa daan ay matapang niyang hinaharap ang ganitong sitwasyon araw araw.

Isang araw may isang netizen na nagmagandang loob kay Tatay Jimmy dahil sa nakita niyang sitwasyon ng matanda na sa gitna ng initan ay pagod na pagod at pawis na pawis na ito. Tinulungan niya munang magpahinga at pinaupo muna si Tatay Jimmy.

Sa maghapong pagsama ni Virgelyncares sa kawawang matanda, masuwerteng itong nakatagpo ng papakyaw sa kaniyang paninda.

Dahil sa pag mamagandang loob ng netizen na si VirgelynCares ay maagang natapos si Tatay jimmy dahil pinakyaw na nito ang lahat ng kanyang tinda sa halagang 2,100 pesos na kung saan ay 210 pesos ang naiuwing pera ni Tatay Jimmy.

Dahil sa natatanging tapang, sipag at pagsisikap ni Tatay Jimmy, lubusang napahanga si VirgelynCares kaya naman ay tinulungan niya si Tatay at nagabot ng kaunting halaga para maisatuparan ni Tatay Jimmy ang kanyang munting pangarap na mapaayos ang nasirang Barung-Barong nio.

At bukod pa dito, isang munting sari-sari store ang ibigay pa ni Virgelyn upang malayo na sa panganib si Tatay Jimmy at dito na lang kumuha ng pagkakakitaan sa pang araw araw kahit papano.

Ina ni Ellen Adarna, humingi ng sorry kay Derek dahil sa nangyari sa unang gabi nila bilang mag-asawa

Maui Taylor tahasang inamin na winarla daw ang nakatrabahaong aktres na ma-attitude!