in

Ina ni Ellen Adarna, humingi ng sorry kay Derek dahil sa nangyari sa unang gabi nila bilang mag-asawa

Agaw eksena din ang ina ni Ellen Adarna sa mismong unang gabi nila ni Derek Ramsay bilang mag-asawa.

Sino nga ba ang mag-aakala na hindi na solo ng newly weds na Ellen at Derek ang isa’t-isa?

Imbes kasi na masulit nila na magkatabi matulog sa unang gabi bilang mag-asawa, ay napurnada ito.

Nakitulog kasi ang ina ng aktres sa mismong bedroom ng celebrity couple.

Natatawang ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram story ang nangyari sa first night nila ng kanyang misis bilang mag-asawa.

Sa nasabing video, makikitang nagtatawanan ang newly weds.

Ani ni Derek sa asawa, “Love , you know I love you right? Imagine, on our wedding day, our wedding night… ended where I slept with you and your mom.”

Tawa naman ng tawa si Ellen sa ginawa ng kanyang nanay at sinagot si Derek ng “No action.”

Sa kabilang banda, nagbahagi din si Ellen ng screenshot ng naging pag-uusap ng kanyang mister at ng kanyang ina.

Sa nasabing screenshot, makikita na kinamusta ni Derek ang ina ng kanyang asawa.

“How are you feeling?” tanong nito.

Halatang natatawang sagot ng mommy ng aktres, “So sorry Derek. Had to sleep on your room on your wedding night LOL. The mom-in-law, oh my God, kaloka.”

Natatawang caption din ni Ellen, “She slept with us. She did #mymother” na sinundan ng laughing emojis.

Talaga nga namang unforgettable itong first night ng mag-asawa dahil sa nakakatawang nangyari.

Nasan na nga ba ang batikang Award Winning Actress na si Chin-Chin Gutierrez?

Isang Matandang may kapansanan, matiyagang naghahanap buhay upang mapaayos ang nasirang Barung-Barong