in

Nasan na nga ba ang batikang Award Winning Actress na si Chin-Chin Gutierrez?

Si Chin-Chin Gutierrez ay isang sikat at kinikilalang isa sa pinakasikat at kilalang aktres sa kanyang panahon.

 

 

Dahil sa kanyang natatanging galing sa pagarte,  Isa sa mga pelikulang umatak sa mga tao ang mga pelikulang Noli Me Tangere na kung saang ginanap niya ang main female role na si Maria Clara.

 

 

At ang Maala-Ala Mo Kaya Movie na kung saan gumanap siya bilang Pinsan ng batikang aktres sa industriya ng showbiz na si Aiko Melendez na kung saan nakuha ao nasungkit niya ang Best Female Supporting Actress sa Gawad Urian taong 1995, Taong 1996 sa ginanapang Role sa Melinda, nasungkit niya ang Best Actress sa 1996 Asian Television Award at marami pang iba.

 

 

Kilala din si Chin Chin dahil sa kanyang advokasiya na kung saan ay concern at pinapahalagahan ang kapaligiran. Dahil dito, naging Magazine Cover si Chin-Chin ng isang sikat na magazine na Time Magazine’s Asian Heroes taong 2003.

 

 

Makalipas ng isang taon, nakatanggap o naging isa sa 2004 The Outstanding Women o mas kilala sa tawag na TOWNS. Ngunit sa kabila ng lahat na natamong karangalan sa industriya.

 

 

Taong 2010, bigla na lang nawala si Chin Chin sa Showbiz Industry.Masasabing isang malaking kawalan ang pagkawala ni ChinChin sa showbiz.

 

 

Mula noon ay wala ng narinig ang mga fans sa kanya. Nasan na kaya si Chin-Chin? tanong ng kanyang mga taga hanga.

 

 

Ngunit taong 2013, nabasag na ang malaking katanungan ng kanyang mga tagahanga.

 

 

Ayon sa mga reports, ang dating aktres ay isa na sa mga Madre ng Carmalite Sister’s Convent at kilala bilang Sister Lourdes. Ayon kay Anjie Uruneta, ang dating Manamger ni Chin-Chin.

 

 

Ngunit ito ay pinabulaan niya at sinabing isa lamang siya mga buong pusong nagseserve dito.

 

 

Paliwanag ng dating aktres, isa lamang siyang Ecological Lay Worker na kung saan ay “SIster” ang karaniwang tawagan nila.

 

 

Makikita sa kanyang Facebook account ang kanilang mga gawain. Siya rin ay naging speaker  at Lecturer  for Environmental Education.

 

 

Nagbabahagi si Chin Chin ng kanyang kaalaman patungkol sa mga issue sa environment at ecology. Gaya ng Sustainable Environment, Ecological Waste, Integrity of Creation at marami pang iba.

 

 

Sa kasalukuyan ay nananatiling aktibo si Chin Chin sa mga gawaing ito at wala namang nababanggit kung may plano pa siyang bumalik sa showbiz.

 

Mas Pipiliin tumira sa Bahay Kubo basta kasama si Philmar Alipayo ayon kay Andi Eigenmann

Ina ni Ellen Adarna, humingi ng sorry kay Derek dahil sa nangyari sa unang gabi nila bilang mag-asawa