in

Mas Pipiliin tumira sa Bahay Kubo basta kasama si Philmar Alipayo ayon kay Andi Eigenmann

Mas pipiliin ni Andi Eigenmann na tumira sa Bahay Kubo kesa sa magarbo at malaking bahay basta kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Sa latest vlog ng ‘The Happy Islanders’ ay namasyal ang buong pamilya. Nag stay sila sa Pacifico sa Siargao.

Habang Naglilibot sila ay saktong nakakita sila ng isang maliit na Bahay Kubo sa kanilang dinadaanan.

Habang nakita nila ito, ay bigla na lamang sinabi ni Andi na handa umano siyang tumira sa maliit na bahay. Basta si Philmar pa rin ang kasama niya sa panghabang buhay.

Hindi sila pepwede sa maliit na bahay kubo. Dahil aniya gusto pa niya ng tatlo pang anak. sagot na para bang kinikilig na si Philmar Alipayo.

At hindi daw sila magkakasya sa maliit na tirahan, dagdag pa ni Philmar.

Dahil sa usapan ng dalawang future husband and waife, kinatuwaan at marami ang kinilig na mga fans at netizes sa kanilang vlog. May mga pumuri din kay Andi na netizens

Ayon sa kanila, sanay na sanay na daw talaga ang dating aktres na si Andi Eigenmann na mamuhay na lamang ng simple. Kaya kahit sa maliit na bahay ay ayos na ito.

Basta kasama niya ang kanyang buong pamilya ay ayos sa kanya kung maliit man o hindi magara ang kanyang tirahan at buhay. May mga nagsabi naman na nakakatuwa ang naging tugon ni Philmar. Na mukhang gustong bumuo ng basketball team.

Sa ngayon ay may sarili ng bahay sina Andi at Philmar sa Siargao. Naudlot lamang na gawin nilang Bed and breakfast ito dahil sa pandemya.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

Mga kaganapan sa kasalang Ellen Adarna at Derek Ramsay ipinasilip ng kanilang mga kaibigan

Nasan na nga ba ang batikang Award Winning Actress na si Chin-Chin Gutierrez?