in

Mga kaganapan sa kasalang Ellen Adarna at Derek Ramsay ipinasilip ng kanilang mga kaibigan

Ngayong araw na nga ang pinakahihintay nina Derek Ramsay at Ellen Adarna para sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ilang hints nga ang ibinigay ng magkasintahan na ngayong araw na nagaganap ang kanilang kasal. Ang mga kaibigan din nila ay kanya-kanyang share ng mga kaganapan.

Nauna ng nagpost si Ellen sa kanyang Instgram account na tila suot na ang kanyang wedding gown.

Sa comment section naman ng kanyang post ay makikita ang komento ni Derek na sobrang excited na.

Ani Derek, “Im sooooooooooooooooooooooooooooo lucky!!! I can’t wait”

Makikita din sa IG Stories ng mga kaibigan nina Derek at Ellen na naghahanda na sila para sa big day ng magkasintahan.

Pati na din sa IG Stories ng kilalang bestfriend ni Ellen na si Beauty Gonzales ay makikitang flower girl ang kanyang anak na si Olivia.

Ni-repost din ni Ellen sa kanyang IG stories ang mga post ng kanilang mga kaibigan tungkol sa wedding.

Isa na nga dito ay ang post ni Vito Selma na mababasa ang “What a beautiful day to get married.”

Samantala ilang larawan din ang ibinahagi ni Derek at kinumpirma na nga niya na ngayon na nga ang big day nila ni Ellen.

May mga larawan din na kasama na niya ang kanyang mga best man at ang kanyang unico hijo.

Makikita din sa ilang larawan na kasama sa kanilang principal sponsors sina Pops Fernandez at Chavit Singson

 

Kakaibang disenyo ng isang 2 palapag na gusali, usap-usapan ngayon sa social media

Mas Pipiliin tumira sa Bahay Kubo basta kasama si Philmar Alipayo ayon kay Andi Eigenmann