in

Vina, sinagot ang tanong kung buntis nga ba ang kapatid na si Shaina, nagulat din sa relasyon nito kay Piolo

Naging usap usapan ngayon sa social media ang tungkol sa pagbubuntis umano ng aktres na si Shaina Magdayao.

Dahil dito, nagulat ang panganay na kapatid ni Shaina na si Vina Morales.

Sa ulat ng Bandera, nakausap nila ang mga ate ni Shaina na si Sheila Magdayao tungkol sa bali-balitang buntis diumano si Shaina.

“Hahaha! Hindi. Now ko lang narinig. Hehehe! Pero how I wish kasi 31 na siya,”  sagot ni Sheila.

Dahil dito, napunta ang usapan nila tungkol sa kumakalat na mga larawan na naging viral sa social media nina Shaina at Piolo Pascual sa social media nito lamang.

“Hindi rin wala naman siyang sinasabi and Piolo naman is malambing sa lahat,” mahinahong na sagot ni Sheila.

“Hindi ko alam ‘yan kasi hindi naman namin napag uusapan si Piolo.” Ayon din kay Shaina.

Gaya ng mga sagot ng ate niyang si Shiela, ay ganoon din naman ang mga sagot ng isa pa niyang nakakatandang kapatid na si Singer/Actress Vina Morales.

Nagulat na lamang umano ang aktres na si Vina ng makita niya sa social media ang mga larawan ng kapatid kasama si Piolo.

“Ewan ko diyan sa dalawang ‘yan. Ha-hahaha! Lagi naman kasing sweet yan sa isa’t isa. Ha-hahaha! Naku, tanungin mo sila, ako ayaw ko nang tanungin si Shaina.”Ayon sa aktres/singer na si Vina Morales.

At ang tanging alam lamang ni Vina ay si Jodi Sta Maria lamang ang kasama sa Bohol ng nakakabatang kapatid na si Shaina.

“Nagulat na nga lang ako sa photo na ‘yun. Ang alam ko lang kasama n’ya si Jodi sa Bohol, Nandu’n pala si Papa P. he he he.”

Ayon kay Vina Morales, wala naman siya umanong pagtutol at sang ayon pa nga ito sa mga reaksyon ng nakararami na bagay umano sina Piolo at Shaina.

“Hahaha! Agree naman ako, lalo na sa ugali. Parehong mabait,” ani Vina.

Well, parehas naman single ang dalawa kaya kung sakalin may relasyon nga sila ay wala naman silang matatapakan o masasaktan na damdamin.

Danica Sotto nagluluksa ngayon dahil sa pamamaalam ng kanyang lolo

Kakaibang disenyo ng isang 2 palapag na gusali, usap-usapan ngayon sa social media