in

Vhong Navarro, may ‘reklamo’ sa kanyang nakukuhang sahod sa It’s Showtime

Naging usap usapan sa social media ang nasabi ng Its Showtime Host na si Vhong Navarro sa isang segment tungkol sa kanyang sahod.

Sa isang segment ng nasabing show, nainterview ng mga host ng show na si Vhong Navarro at Vice Ganda ang ang fiancé ng isang contestant sa Tawag ng Tanghalan.

Naitanong ng mga host ang kung ano nga ba ang tungkol sa lovelife nito. Isa siyang singer sa isang  cruise ship at doon niya nakilala ang foreigner nitong kasintahan na si Joshua Mumby na isa ring performer.

At habang naguusap usap ang tatlo, ay naisipang tawagan ng Host na si Vhong Navarro si Joshua Mumby na kasalukuyang nasa England upang mainterview at makasali ito sa kanilang kwentuhan.

Nang una ay si Vice ang kausap ni Joshua at biniro niya pa ito tungkol sa litrato ng kabay0 sa wall nito.

Pabirong sinabi ni Vice Ganda na ito ay ang kanyang graduation picture. Ngunit ng si Vhong Navarro naman kumausap kay Joshua, nabanggit nito na hindi maganda ang kanyang kalagayan o estado ngayon.

Ayon kay Vhong, ay dahil daw ito sa mababang talent fee niya sa nasabing show, ngunit alam naman ng lahat na ito ay isa lamang biro ng aktor na siya naman kinatuwa o nagdulot ng saya sa loob na studio.

Para naman kay Vice, Tila para bang isang double meaning itong joke ni Vhong, ayon pa sa kanya, si Vhong Navarro daw ang pinaka mataas ang talent fee sa kanilang lahat.

Kahit pa na sobrang igsi lang daw ng pagkanta nito sa kanilang opening number. Hanggang sa nauwi na lamang sa tawanan ang biruan na ito ng magkaibigan.

At sa di inaasahan ng lahat, Nagpropose si Joshua sa Live TV sa kanyang nobya na ikinabigla ng lahat ng nasa loob ng Studio.

Tila naging daan ang noon time show na Its Showtime para makapag propse si Joshua at masabi niya sa buong mundo kung gaano niya kamahal ang kanyang nobya.

 

Super Tekla, labis labis ang kahihiyang sinapit matapos pagbintangang magnan4kaw sa isang convenience store

Super cute at mukhang foreigner na miracle baby ni Alice Dixon, kinagiliwan sa social media