in

Super cute at mukhang foreigner na miracle baby ni Alice Dixon, kinagiliwan sa social media

Sa isang post sa social media account ng aktres na si Alice Dixon, unti unti niyang pinakita ang itsura at pinakilala ang kanyang unica hija  sa netizens.

Ayon sa kanyang Instagram account, ipinost niya sa kanyang stories ang pictures kasama ang kanyang anak habang naka suot sila ng costume bilang “The Incredibles”‘

Mararamdaman sa bawat picture na masayang masaya ang mag ina at first time sinecebrate ang Halloween na mag kasama.

Bagamat ipinakita na ng aktres ang kanyang baby ay nananatili pa rin itong misteryo dahil nakamask si baby Aura.

Kahit hindi kita ang buong mukha ni Baby Aura dahil sa nakasuot ito ng Eye Mask ay makikita ang kanyang ilang features.

At sa isa pang post ng aktres na si Alice Dixon, habang buhat niya si baby Aura ngunit nakatalikod naman ito kaya hindi pa rin nare-reveal ang tunay na itsura ni baby Aura. Twinning rin ang naging OOTD o Outfit Of The Day nila sa nasabing post.

Kapansin pansin na maputi o tisay si Baby Aura at mukha talaga itong foreigner na talaga namang kinaaliwan ng maraming netizens.

Sa ngayon ay hindi pa nirereveal ni Alice ang buong itsura ng muka ni Baby Aura sa lahat mula ng sila ay umuwi sila sa Pinas noong May ngayong taon.

Matatandaang inanunsyo ng aktres na may parating na bagong blessing ang pamilya noong April sa pamamagitan ng su’rr0gacy.

Kahit ang kanyang longtime non-showbiz partner ay nananatili pa ring misteryo at hindi pa din pinakikilala ng aktres sa publiko.

Dahil para sa aktres, ang kanyang lovelife at pamilya ay dapat pribado at hindi isinasapubliko kaya magpahanggang ngayon ay hindi pa din niya nilalantad ang kanyang mag ama.

Kaya marami ang nag curious kung sino nga ba ang maswerteng lalaki at ano nga tlga ang itsura ni Baby Aura.

Kaya ang tanong ng lahat, Kailan ang Face Reveal ni Baby Aura at kailan makikilala ng lahat ang misteryosong Ama ni Baby Aura.

Vhong Navarro, may ‘reklamo’ sa kanyang nakukuhang sahod sa It’s Showtime

Danica Sotto nagluluksa ngayon dahil sa pamamaalam ng kanyang lolo