in ,

Super Tekla, labis labis ang kahihiyang sinapit matapos pagbintangang magnan4kaw sa isang convenience store

Emosyonal na Ibinahagi ni Super Tekla ang kanyang hinding hindi malilimutang karanasan sa isang Convenience Store.

 

 

Ibinahagi niya ang nasabing masaklap na karanasan sa kanyang social media account.

Ayon sa komedyante, nakaranas umano siya ng labis na pamamahiya sa loob ng isang convenience store sa Quezon City.

 

 

Ayon sa kanya, ang isang Sales Clerk ng nasabing store ay bigla na lamang siyang hinarang at pinagbinatangang maglalabas ng item na hindi man lang daw niya binayaran.

 

 

Kwento pa Tekla, ang pagbibintang daw ng nasabing Sales Clerk ay lubusang nagdulot ng malaking hiya sa kanya, sapagkat pinagtinginan sila ng mga tao sa loob ng store.

 

 

Upang mapatunayang hindi totoo ang ibinibintang sa kanya, sinabi niyang maaari daw siyang kapkapan ng sales clerk para mapatunayang nag sasabi siya ng totoo.

 

 

“Hinarang ako ng saleslady after ko mabayaran yung biniki ko, may kinuha daw akong item. Sabi ko, ‘Are you sure ate?’ napahiya ako, madaming tao, sabi niya, kakapkapan niya daw ako then sabi ko, ‘Go Ahead’. wala siyang nakita sa akin, pinacheck ko pa ang resibo kumpleto ang bayad at yung binili ko.”

 

 

Binaba pa daw ni Super Tekla ang kanyang suot na facemask at laking gulat na lamang ng nasabing sales clerk ng makilala siya.

Agad daw humingi ng pasensya ang sales lady at napaiyak pa nga ito sa paghingi ng tawad sa kanya.

 

 

Ayon kay Tekla, kahit na lubusang napahiya siya sa noong mga oras na iyon ay agaran naman daw niya itong pinatawad. Naisip din niya ang kalagayan ng sales lady at ayaw niya itong mawalan ng trabaho.

 

 

“Pinagbintangan at kinapkapan mo ako ate, tapos ngayon iiyak iyak ka at hihingi ng sorry dahil nagkamali ka? Ang swerte mo ate at mabait at maunawain ako. Imbes na magalit ako, awa ang nanaig sa puso ko hindi biro ang pagbintangan ka magnanakaw pero sabi ko kung susundin ko ang galit ko malamang mawalan siya ng trabaho.” 

 

 

Nakiusap naman si Tekla sa netizens na wag basta basta manghusga ng kapwa dahil lamang sa kanilang panlabas na anyo.

Nalungkot na lamang si Tekla sa kanyang naranasan kaya sana ay magsilbing aral ito sa marami.

 

 

Ano masasabi ninyo sa naranasan ni Tekla sa Convenience Store? Nakaranas na din ba kayo ng ganito?

 

Pamangkin ni Rico Yan agaw pansin ngayon online dahil sa laki ng pagkakahawig nito sa kanyang tito

Vhong Navarro, may ‘reklamo’ sa kanyang nakukuhang sahod sa It’s Showtime