in

Pamangkin ni Rico Yan agaw pansin ngayon online dahil sa laki ng pagkakahawig nito sa kanyang tito

Usap-usapan ngayon sa social media ang pamangkin ng nam’ayapang aktor na si Rico Yan.

Viral na ngayon online ang mga litrato ni Alfonso Yan Tueres. Kapansin pansin kasi na kahawig nito ang kanyang tito Rico.

Noong nabubuhay pa kasi ang aktor ay isa siya sa mga tintiniliang matinee idol noon. Sino ba namang makakalimot sa napakaganda niyang ngiti lalo na ang prominente niyang “dimples”?

Ang tambalan nila ni Claudine Barretto ang talagang nagpakilig sa maraming mga Pilipino. Hanggang sa ngayon ay marami pa rin silang mga tagahanga at tagasuporta.

Maaga mang pumanaw ang aktor ay nananatili pa rin siya sa puso at isipan ng mga taong nagmamahal sa kaniya.

Kaya naman ng kumalat online ang mga larawan ni Alfy ay ikinatuwa ito ng maraming fans ni Rico. Mayroong ilang mga netizens din ang nagkomento na sana ay magustuhan din ng binatilyo ang pumasok sa showbiz upang kahit papaano ay muli nilang masilayan ang aktor sa kaniyang pamangkin.

Grade 8 pa lamang si Alfy, at isang star player ng baseball team niya sa kanilang school.

Bukod sa baseball, mahilig din siya sa basketball at sa video games. May angking galing din si Alfy sa kusina, at hilig niyang magluto ng meals.

Sa ngayon, wala raw munang showbiz for Alfy, una muna niyang papa­sukin ang pagiging commercial model.

Sakaling mag-aartista si Alfy, susundan kaya niya ang yapak ng kanyang uncle na nakilalang “crush ng bayan” noong panahon nito?

Netizens speculate that Ivana Alawi is referring to Mariel Rodriguez, the host that scolded her in the past

Super Tekla, labis labis ang kahihiyang sinapit matapos pagbintangang magnan4kaw sa isang convenience store