in

Carrot Man Jeyrick Sigmaton nagkamit ng best actor award sa New York

Nag-level up na ngang talaga si Jeyrick Sigmaton o mas kilala sa bansag na Carrot Man.

Gumawa ng marka sa ibang bansa ang binansagang “Carrot Man” matapos niyang mag-viral dahil sa kaguwapuhan.

Noong 2016 sumikat si Jeyrick Sigmaton matapos kumalat sa Facebook ang mga larawan niya habang nagbubuhat ng mga basket ng mga carrot. Para maihatid sa mga truck kaya’t nabansagan siyang “Carrot Man”.

Nahumaling ang mga netizen sa itsura niya na naging daan sa kanya para maging model at aktor.

At ilang taon nga ang nakalipas nagdala ng karalangan sa Pilipinas si Jeyrick Sigmaton. Matapos manalo ito bilang best actor sa isang international film festival sa New York.

Pinatunayan ni Jeyrick na kaya na pang-international ang kanyang aktingan matapos manalo sa pamamagitan ng short film na Dayas na umikot sa kwento ng mga small-scale miners sa Itogon, Benguet kung saan siya ang bida.

Ang nasabing pelikula ay isinulat at idinirek ni Jialin Floresca. Samantala, i-prinoduce naman ng Sine Cordillera at Be Unrivaled Productions. Ipinalabas naman ito sa International Film Festival Manhattan Autumn 2021.

“We’re very thankful to have the best actor award for Jeyrick Sigmaton. So in behalf of my actor and the entire cast of Sine Cordillera ‘Dayas,’ and also in behalf of all Igorots all over the world, bagi tayo daytoy (sa ating lahat ito),” sabi ni direk Jianlin sa kaniyang pasasalamat sa film festival.

Narito ang preview ng Dayas:

KC Concepcion aminadong takot sa marriage noon ngunit handa ng magpakasal ngayon

Loisa Andalio, bilang isang bread winner, inamin nahihirapan na ngayon dahil sa walang trabaho