in

KC Concepcion aminadong takot sa marriage noon ngunit handa ng magpakasal ngayon

Aminado si KC Concepcion na takot siya noon sa mga lalaki, lalo na at napag-uusapan ang tungkol sa kasalan.

Naibahagi ito ni KC sa Facebook Live interview kasama ang dating ABS-CBN writer na si Mela Habijan.

Aniya takot siya noon sa marriage dahil sa sinapit ng pagsasama ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ang pangamba raw lagi noon ni KC ay iiwan siya ng karelasyon, kaya inuunahan na niya ang mga ito.

“Parang feeling ko, bago nila ako iwanan, iwan ko muna sila. ‘Ako na mauuna. Tapos in my 20s, I was never really ready to settle down, even now in my early 30s.

Pero nang dahil daw sa lockdown dulot ng pandemic. Na-realize ni KC ang kahalagahan ng may partner sa buhay at may kasama sa bahay.

“It’s, like, and it wasn’t until the lockdown, the global pandemic that I really always say, ‘Wow, now I know the value of having a partner. Now I know the value of having a good partner, a boyfriend, or in the future, a husband.’

“In a situation like this, if you don’t live with your family anymore, it would be nice to have [an] equal be with you at home—to somebody to lean on.”

Nang matanong nama kung ngayon ba masasabi na niyang handa na siyang magpakasal? “I think so. Of course, it still depends on the person. It’s still a process naman to get to know a person.

“Hindi naman dahil ready ka to settle down, anyone that comes, siya na. Pero, of course, I think now, with all my wonderful insights, with all of my wonderful wisdom, parang feeling ko ready na ako,” tugon ni KC.

Jose Manalo Naiyak sa Mensahe ng kanyang Doktorang Anak

Carrot Man Jeyrick Sigmaton nagkamit ng best actor award sa New York