in

Jimmy Santos namahagi ng blessing para sa pagdiriwang ng kanyang 70th birthday

Imbes na magparty pamimigay ng ayuda ang napili ni Jimmy Santos para ipagdiwang ang kanyang 70th birthday.

Namahagi ng tulong ang dating Eat Bulaga co-host na si Jimmy Santos sa kanyang kaarawan noong October 8.

Nag ikot-ikot si Jimmy kasama ang kanyang mga kaibigan para mamigay ng groceries sa mga tong nangangailangan ng tulong.

Sa kanilang paglilibot, ilang pamilya din ang tuwang tuwa sa blessing na kanilang natanggap mula sa komedyante.

May naabutan siyang mga taong walang tirahan at mga nasa kalsada lamang. Meron ding mag ina na nadaanan niya at inabutan din ng grocery pack.

Tuwang tuwa din ang isang tricycle driver na habang nasa pila ay naabutan din ni Jimmy ng food packs. Ayon pa nga sa tricycle driver ay may maiuuwi na siya para sa kanyang pamilya.

Ang isang nanay naman ay lubos din ang kasiyahan hindi lamang dahil nakatanggap siya ng ayuda. Kundi dahil nakita niya sa personal ang comedian tv host turned vlogger.

Sa kanyang edad na 70 ay hindi alintana ni Jimmy ang pan6anib na dulot ng pandemya sa kanyang kalusugan.

Layunin umano niya na patuloy na makapagbigay ng saya sa kanyang mga kababayan. Upang kahit sa simpleng pamamaraan ay maibsan ang kalungkutan.

Sa ngayon ay ang pagba-vlog ang pinagkakaabalahan ni Jimmy habang namamalagi sa Pamapanga kasama ng kanyang pamilya.

Matagal ng hindi napapanood si Jimmy sa Eat Bulaga dahil sa pandemya at aminado siya na nami-miss na niya ito.

Ngunit para na rin sa kanyang kalusugan ay focus muna siya vlogging.

Dennis Padilla ibinahagi ang kanyang C0’VID journey, hindi inakala na makakaligtas pa siya

Jose Manalo Naiyak sa Mensahe ng kanyang Doktorang Anak