in ,

Kylie Padilla binuweltahan na si Cristy Fermin sa social media: “Wag niyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo”

Kylie Padilla binuweltahan na ang columnist na si Cristy Fermin sa kanyang social media.

 

 

READ MORE:

 

Cristy Fermin, ibinunyag na ginugutom umano ni Kylie Padilla si Aljur Abrenica dahil sa kanilang problemang pinansyal

 

Hindi na nakapag pigil ang Kapuso actress sa mga binubunyag ni Cristy Fermin na galing umano sa kanyang source.

 

 

Mainit na usapin ang hiwalayan nila Aljur ngayon sa social media. Lumalabas kasi ngayon na si Kylie ang unang naging dahilan umano ng kanilang hiwalayan.

 

 

Tungkol dito, isiniwalat ni Cristy sa kanyang programang Cristy Ferminute ang mga bagay tungkol sa anak ni Robin Padilla.

 

 

“Yung kwento ng aking source na si Kylie po talaga yung laging may kausap sa garden. Kahit sa madaling araw, oo, may kausap siya…” pagkwento ni Cristy.

 

 

Bago pa ito, sinabi din niya na ginugutom umano ng aktres ang dating asawa dahil siya daw ang gumagastos sa kanila.

 

 

Kaya naman hindi na nakapag pigil pa ang mom of two na magsalita tungkol dito.

Sa kanyang Twitter, diretsahan niyang binuweltahan ang columnist.

 

 

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyo hintayin mag salita ako tungkol sainyo. Nagtitimpi ako para sa mga anak ko.

Tignan nyo mga mali sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao.”

 

 

Pagdidiin niya pa, “GROW UP. Ang tatanda nyo na.”

Sa hiwalay na post, sinabi din ni Kylie na sana naman daw ay totoo ang mga sabihin tungkol sa kanya.

 

 

“At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo.”

 

 

Samantala, tila pinaboran naman ng maraming netizens si Kylie Padilla sa puntong ito laban sa kolumnistang si Cristy Fermin. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

 

.

.

 

READ MORE:

 

Kylie Padilla namataang kasama ang tattoo artist na nali-link sa kanya ngayon

 

Lalaban na nga ba ang aktres sa mga ibinabato sa kanya ngayon?

Kapatid ni Mahal na si Jason Tesorero isiniwalat kung magkano ang laman ng naiwang passbook ng komedyana

Dennis Padilla ibinahagi ang kanyang C0’VID journey, hindi inakala na makakaligtas pa siya