in

Kylie Padilla namataang kasama ang tattoo artist na nali-link sa kanya ngayon

Mukhang unti-unti ng nakikilala ng publiko kung sino nga ba ang nali-link ngayon kay Kylie Padilla.

Maraming netizens ngayon ang kumakalap ng ebidensya na maiuugnay kay Kylie. Ito ay matapos magbigay ng pahayag ang kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.

Ayon kasi kay Aljur, si Kylie umano ang unang nagloko at nakasira ng kanilang relasyon bilang isang masayang pamilya.

Hinamon din ni Aljur ang Kapuso actress na aminin na sa publiko ang kanyang itinatago. Dahil aniya’y sawa na siya na siya lang ang nagmumukhang masama sa tingin ng marami.

At dahil nga dito ay unti-unti ng lumalabas ang mga patunay na may iba na ring karelasyon si Kylie.

Sa post kasi ng mga netizen, kinilalang si Jinno John Simon, isang tattoo artist at may-ari ng Vimana Tattoo ang totoong kasintahan daw ngayon ni Kylie.

Namataan umano ang dalawa na magkasama ng ilang araw sa Tabing Ilog ng Daraitan sa Rizal.

Ayon sa post ng netizen, “Yes! Taga tabing ilog ng Daraitan knows. Sa wakas nagsalita kana rin Aljur!

“Kitang kita ng mga taga Tabing Ilog ng Daraitan si Kylie 2 months ago 3 days ata sila dito or 4 days with her tattoo artist boylet (longhair, malaki ang katawan, maputi pero hindi gwapo). Very sweet at laging nagki-kiss! One time pinicturan pa sila ng tour guide dito sa Daraitan at si Ate mo Kylie nagalit at pinabura sa tour guide ‘yung picture!”

Kung makikita ang ilang posts ng Vimana Tattoo page sa Facebook, mababasa ang post na “I’m choosing Love over fear” na caption sa isang art card na may nakasulat na,

“THEY FEAR LOVE BECAUSE IT CREATES A WORLD THEY CAN’T CONTROL”

Sinasabi naman ng mga netizens na patungkol ito sa kung ano man ang sitwasyong meron sila ni Kylie Padilla.

Mga larawan ni Heaven Peralejo kasama ang dalawang lalaki, umani nang sandamakmak na komento mula sa mga netizens

Kapatid ni Mahal na si Jason Tesorero isiniwalat kung magkano ang laman ng naiwang passbook ng komedyana