in

Kapatid ni Mahal na si Jason Tesorero isiniwalat kung magkano ang laman ng naiwang passbook ng komedyana

Dahil hindi na masikmura ang panghuhusga ng mga netizens, kapatid ni Mahal ibinunyag kung magkano ang naiwan nitong pera.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Jason Tesorero na 25 thousand pesos ang laman ng passbook na naiwan ni Mahal.

Bago pa man mamaalam ang komedyana ay nakapag withdraw pa umano ang manager nito ng 80 thousand pesos. Ngunit hindi na nila iyon sinilip dahil naintindihan nila ang sitwasyon nito.

Ngunit ang akusahan umano sila na mukhang pera ay iyon ang hindi nila matanggap. Sa ngayon ay gumagawa sila ng fund raising para sa ipapatayo nilang museleo ng kapatid.

Kaya daw nila ito ginagawa dahil anila ayaw nilang pakialaman ang naiwang pera ng namaalam na komedyana.

Ayon pa nga kay Jason ay hindi nila alam na wala palang malaking perang naipon ang kanilang kapatid bago ito mamaalam. Kahit pa nga ilang taon na din ito sa industriya ng showbiz.

Sa isang ledger na ibinigay umano sa kanila, nakalista ang pera ni mahal ngunit wala umanong naiabot sa kanilang pera.

Napag-usapan na umano sana nila ito ngunit kinailangan nilang ilabas ang totoo dahil sa mga paratang sa kanilang pamilya.

Maging ang kapatid nilang nasa Amerika ay nadadamay pa umano gayong may sarili itong pera kaya minabuti ni Jason na ilabas ang katotohanan.

Gayunpaman, nilinaw niyang hindi niya sinisiraan ang Pamilyang Molino o kahit sino pa man.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang video:

Kylie Padilla namataang kasama ang tattoo artist na nali-link sa kanya ngayon

Kylie Padilla binuweltahan na si Cristy Fermin sa social media: “Wag niyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo”