in , ,

Kylie Padilla may parinig na sa hamon ng kanyang dating asawa na si Aljur Abrenica!

Kylie Padilla, may buwelta agad sa kanyang dating asawa na si Aljur Abrenica sa social media!

 

 

Kagabi, October 19, nawindang ang marami nang biglang basagin ng aktor na si Aljur Abrenica ang kanyang katahimikan.

 

Aljur, isiniwalat na si Kylie ang may 3rd party at dahilan sa pagkasira ng kanilang pamilya, hinamon na ilantad ang kasalanan

 

 

Ilang buwan nang hindi matahimik ang hiwalayan ng mag-asawang Kylie at Aljur.

 

 

Bagamat pinili nilang wag mag bigay pa ng detalye tungkol sa kanilang hiwalayan, hindi pa din natigil na usisain ang kanilang isyu.

 

 

Marami nang nadawit na mga pangalan na siyang tinuturong naging dahilan umano ng hiwalayan nilang dalawa.

 

 

Ang hinuha kasi ng madami, nagkaroon umano ng third party si Aljur na siyang dahilan kung bakit ito hiniwalayan ni Kylie.

 

 

Pero ngayong gabi, tila kabaliktaran ang gustong palabasin ng aktor sa nanyari sa kanila.

 

 

Sa kanyang Facebook post, hinamon pa ni Aljur na ilantad na daw ng aktres kung sino daw talaga ang unang nagloko.

“Breaking silence… Kylie please tell them the truth.”

Paghahamon niya, “Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.”

“Tell them why I gave up on you and not on our family,” pakiusap ni Aljur sa dating asawa.

 

 

Sa kabilang banda, walang direktang sagot si Kylie dito pero tila may naging buwelta siya sa kanyang Instagram.

 

 

Sa kanyang Instagram account, tila nag flood ang celebrity mom nang samu’t saring music. Kung iisipin ang mga lyrics, maaaring sagot niya sa ginawang post ni Aljur.

 

Isa na rito ang kantang Happier than Ever na may lyrics na:

 

“When I’m away from you/ I’m happier than ever/ Wish I could explain it better/ I wish it wasn’t true, mm-hmm/ Give me a day or two/ To think of something clever/ To write myself a letter/ To tell me what to do, mm-hmm.”

 

 

Nirepost din ni Kylie ang post ni Rihanna noong 2012,

 

“Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes.”

 

 

Isang post ni Kylie ay ang kanta ni Miley Cyrus na Wrecking Ball, Easy on Me, at Smile.

 

Ito nga ba ang tanging sagot ni Kylie sa “breaking silence” na ito ni Aljur?

 

JM De Guzman nadawit sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez nagpasalamat kay Aljur Abrenica, sinabing matagal na niyang alam ang lahat