in

Jessy Mendiola na-offeran din ng indecent proposal mula sa isang politician-businessman

“Name your price,” ito daw ang natanggap na mensahe noon ng aktres na si Jessy Mendiola.

Sa kanilang latest vlog ng kanyang asawa na si Luis Manzano, gumawa din sila ng kanilang Lie Detector Challenge.

May nga katanungan sila para sa isa’t-isa na kailangan nilang sagutin ng totoo, dahil kung hindi, makukuryente ang kanilang kamay.

Game na game naman sinagot ng mag-asawa ang mga questions.

Dahil nga na-issue na noon ang aktres na siya daw ay suplada at maldita, tinanong ni Luis si Jessy kung nay namalditahan na daw ba ito dati.

Sagot ni Jessy, minsan daw ay nagsasabay na ang kanyang pagod sa trabaho at problema sa personal na buhay. Hindi niya daw maiwasan na maging masungit.

Pero ang pinaka tumanda sa kanilang vlog ay nang ibahagi ng aktres na nakatanggap daw siya ng indecent proposal noon.

Mayroon daw nag message sa kanya at tinatanong kung tumatanggap daw ba siya ng ganoong klaseng offer.

“Sabi may isa daw, parang bata pa na businessman or politician yata sa ibang lugar, hindi dito sa Manila. Tapos sabi niya, ‘Tumatanggap ka ba ng ganito? Name your price. Magla-lunch lang daw kayo,” pagbabahagi ng aktres.

Pero hindi daw ito tinanggap ni Jessy at agad tinanggihan ang offer.

Ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez nagpasalamat kay Aljur Abrenica, sinabing matagal na niyang alam ang lahat

Ben Tulfo may mainit na buwelta kay Vice Ganda live on air sa kanyang programa!