in

Ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez nagpasalamat kay Aljur Abrenica, sinabing matagal na niyang alam ang lahat

Matapos ang naging pahayag ni Aljur Abrenica laban kay Kylie Padilla, agad nagbigay reaksyon ang ina ni AJ Raval.

Kagabi nga lamang October 19, ay nagbigay na ng kanyang pahayag si Aljur tungkol sa hiwalayan nila ni Kylie.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ang aktor tungkol sa isyu nila ng kanyang estranged wife.

Sa kanyang mahabang Facebook post ay hinamon ni Aljur si Kylie na sabihin na sa publiko ang totoong nangyari.

Samantala, ilang oras lang ang nakalipas ay agad nagbigay ng reaksyon ang ina ni AJ ukol dito. Pinasalamatan ni Alyssa Alvarez si Aljur sa pagtupad nito ng kanyang mga pangako.

Na poprotektahan at aalagaan niya ang anak nitong si AJ.

Ayon sa post ni Alyssa ay alam na niya noon pa man ang nangyari kina Aljur at Kylie. Ikinwento na daw ito ni Aljur sa kanya noong nagpaalam itong manliligaw sa anak niya.

Saad ni Alyssa, “He told me everything from the start, para makilala ko Ang pagkatao nya, kung karapat dapat ba syang tanggapin ng pamilya namin.”

“Tao syang lumapit sa amin kaya tao din namin syang tinaggap. I kept my mouth shut. Nung nag ka issue na. mas pinili Kong masaktan para sa ank ko, dahil alam ko darating Ang Araw lalabas Ang totoo”

“kinain ko lahat ng mga pinagsasabi sa akin namasakit ng mga walang alam sa nangyayari. Para lang wag na lumaki pa. Pero nag papasalamat Ako ‘anak’ kase tinupad mo Ang sinabi mong di mo kami pababayaan .. alam ko Hindi lang ito para sa amin, pati narin sa mga taong nagmamahal at nasasaktan para sayo.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinagtanggol ni Alyssa si Aljur laban sa mga kritiko nito. Nagumpisa ito mula ng lumabas ang balitang nanliligaw ang aktor kay AJ Raval.

Kylie Padilla may parinig na sa hamon ng kanyang dating asawa na si Aljur Abrenica!

Jessy Mendiola na-offeran din ng indecent proposal mula sa isang politician-businessman