in

Ben Tulfo may mainit na buwelta kay Vice Ganda live on air sa kanyang programa!

Ben Tulfo, tinamaan sa naging pahayag ni Vice Ganda!

Tinamaan sa naging pahayag ng komedyante na si Vice Ganda ang radio broadcaster na si Ben Tulfo.

May naging komento kasi ang ABS-CBN artist tungkol sa mga taong mahilig daw gumamit ng bible verses pero sumusuporta naman sa magnanakaw.

Wala naman binanggit o pinasaringan na personalidad si Vice sa kanyang sinabi.

“Di ba, may mga gano’n? ‘Yung post ka nang post ng mga Bible quotes sa social media pero sumusuporta ka naman sa magnanakaw,” komento ng It’s Showtime host.

Tinamaan naman dito si Ben dahil gumagamit daw sila ng bible verses sa kanilang programa na Sumbungan ng Bayan.

Galit na galit na buwelta ng broadcaster, Wag na wag mong sasabihin ulit, hindi mo ige-generalize. Kasi kami, we feel na yung sinasabi mo, parang pati kami hagip d’yan. Dapat nilinaw mo.”

Paliwanag naman niya, personal siyang tinamaan sa komento ni Vice dahil daw gumagamit sila ng verses galing sa bibliya.

Mariin namang sinabi ni Ben na hindi nila ito ginagawa oara makahakot ng viewers. May pananalig daw talaga sila at naniniwala sila dito.

“Pino-post namin sa social media, yung mga sinasabi ho namin, mga Bible verses, ano ho yung verses? Naniniwala ho kami dito, may pananampalataya po kami dito.”

Jessy Mendiola na-offeran din ng indecent proposal mula sa isang politician-businessman

Cristy Fermin, ibinunyag na ginugutom umano ni Kylie Padilla si Aljur Abrenica dahil sa kanilang problemang pinansyal