in

Pahayag noon ni Alexa Ilacad tungkol kina Nash Aguas at Mika Dela Cruz muling binalikan ng netizens

Usap-usapan na namang muli ang naging saloobin noon ni Alexa Ilacad tungkol sa pag-friendzone sa kanya ni Nash Aguas.

Inilabas ni Alexa ang lahat ng kinikimkim niyang sama ng loob laban sa dating ka-love team na si Nash. Naganap ito noong 2019 sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula na Santigwar.

Nilinaw ni Alexa na wala siyang sama ng loob kina Nash at Mika dela Cruz, bagamat inamin niyang “napaisip” siya kung ano ang naging lugar niya sa puso ng aktor sa maraming taon na espesyal sila sa isa’t isa.

Ilang taong magka-love team sina Alexa at Nash, hanggang sa tuluyang mabuwag noong 2018 ang tambalan nilang “NLex.”

Dati nang nilinaw ni Alexa sa mga naunang interviews na bagamat tumagal ng ilang taon, unofficial ang naging relasyon nila ni Nash dahil kapwa pa sila menor de edad noon.

Gayunpaman, maayos daw na naghiwalay sina Nash at Alexa, at wala silang naging away. Sa ngayon, si Mikaang girlfriend ni Nash.

Paliwanag ni Alexa, noon pa mang panahon nila sa Goin’ Bulilit. Ay malapit na sa isa’t isa sina Nash at Mika. At ang dalawa, aniya, ang orihinal na “puppy love” team ng defunct Kapamilya kiddie gag show.

Ngunit ng magviral ang comment ni Nas sa IG ni Mika ng: “13 years and I still love you” napaisip daw ang dalaga.

“Napaisip ako. Yun, hindi na-shock, pero napaisip ako.Kasi inside that 13 years, I was there.

“So when you say na ‘13 years, and I still love you,’ where was I? I have four to five years in those 13. Something like that… or three to four.”

Kalaunan, may realization si Alexa para sa kanyang sarili. “Maybe that hour I cared, but I said to myself, ‘Hmmm, not worth your time, move on.’”

Matapos iwanan ang It’s Showtime, Direk Bobet Vidanes nilait umano sina Vice Ganda at Vhong Navarro

Aljur, isiniwalat na si Kylie ang may 3rd party at dahilan sa pagkasira ng kanilang pamilya, hinamon na ilantad ang kasalanan