in

Matapos iwanan ang It’s Showtime, Direk Bobet Vidanes nilait umano sina Vice Ganda at Vhong Navarro

Muling nagbigay ng pasab0g ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

This time ay tungkol naman kay Direk Bobet Vidanes at sa mga panglalait umano nito. Sa mga dati niyang kasamahan sa It’s Showtime.

Sa October 18 episode ng digital talk show niyang “Cristy Ferminute”. Ibinahagi ng kolumnista na may natanggap siyang text message. Sa hindi na niya pinangalanang source.

Kalakip umano ng nasabing text message ay ang mga hindi magagandang salita na binitiwan ni Direk Bobet. Laban kina Vice Ganda at Vhong Navarro.

Saad ni Cristy, “Ito po, itinataya ko po ang pangalan ko dito. Kasi sa akin po nag-text ‘yung mga taong dati niyang kasama. At ito po ay paninindigan ng mga dati niyang kasamahan at paninindigan ko rin po ang sinulat ko ngayon sa PSN (Pilipino Star Ngayon).”

Hanggang sa binasa na nito ang laman ng sinasabi niyang text message na kanyang natanggap.

Pagsisiwalat ni Cristy, “Merong text sa akin na ganito ang sinasabi, ‘Nay, sinungaling si Bobet. Lagi niyang sinasabi, ‘Ang b0b0 ni Vhong Navarro’. Si Vice naman, ‘Basura talaga ang ugali ng bakla’. Naririnig ‘yun ng mga cameramen sa headset. ‘Wag siyang magsinungaling’.”

“’Yung mga sinasabi niya, siyempre nadidinig ng mga cameramen at saka nung floor director. Hindi lang siya nakakadinig nu’n.”

“Hindi siya pupwedeng magsinungaling kasi ‘yung mga sinasabi niya habang nasa booth siya, nadidinig. Naka-headset ang mga floor director at cameramen,” dagdag pa nito.

Laman din ng tetx message na hindi lamang sina Vice at Vhong ang nilait umano ni Direk Bobet, kundi pati na din ang mga dancer.

Bukambibig daw nito pag nagkakamali ang mga Showtime dancers, “Ang b0b0b0 talaga ang mga babaeng ‘to. Magaling lang magsayaw”. 

Narito ang buong pahayag ni Cristy Fermin:

Ruffa Gutierrez may komento sa mga contestants ng ReiNanay na mahilig daw mangaliwa: “Bungi siya, nangaliwa pa siya!”

Pahayag noon ni Alexa Ilacad tungkol kina Nash Aguas at Mika Dela Cruz muling binalikan ng netizens