in ,

JM De Guzman nadawit sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

 

THROWBACK ARTICLE [JULY] : Panibagong pangalan nanaman ang nasangkot sa isyu ng hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

 

 

Hanggang ngayon, usap-usapan pa rin kung sino nga ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay nila Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

 

 

Nagsimula ito ng kinumpirma ni Robin Padilla  na hiwalay na nga anak niya sa asawa.

Nangyari ito sa panayam ng aktor sa manager, vlogger at TV host na si Ogie Diaz.

 

 

Ani Robin third party umano ang dahilan ng hiwalayan ngunit hindi naman nito pinangalanan kung sino.

 

 

Hanggang sa marami na ngang nasangkot na pangalan, nadawit na dito sina Mika Rivera at Cindy Miranda.

 

 

Sila ang tinuturo umanong naging babae ni Aljur at naging dahilan ng pakikipaghiwalay ni Kylie sa aktor.

 

 

At  kamakailan lamang isang pangalan na naman ang nadawit na posibleng dahilan umano ng hiwalayan.

 

 

Sa pagkakataong ito, ang ‘Init sa Magdamag’ actor naman na si JM de Guzman ang isinasabit sa isyu.

 

 

Isang netizen ang nangahas magtanong kay Kylie kung totoo ang bali-balitang kaya raw siya nakipaghiwalay kay Aljur ay dahil maluho umano ang aktres at nagpapaligaw sa mayayamang artista.

 

 

Tanong ng netizen na si @sfb_mryjn (published as is):

 

“Totoo po ba na kaya mo iniwan si aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni aljur luho mo?

 

 

“Tapos poo maraming mayayaman ang nanliligaw sa you pati mga artista at isa dun si @1migueldeguzman yun po kasi ang Sabi ni Xian Gaza eh salamat po.”

 

 

Hindi naman ito pinalampas ni Kylie at simple lang ang naging sagot nito:

“Magkaibigan lang kami ni JM. This is not true.”

 

 

Nasangkot ang pangalan ni JM dahil sa pahayag na ibinahagi ni Xian Gaza sa kanyang Facebook live kamakailan.

 

 

Saad ni Xian parte lang daw ng plano ang panayam ni Robin upang hindi matuon sa tunay na dahilan ng hiwalayan.

 

Aljur, isiniwalat na si Kylie ang may 3rd party at dahilan sa pagkasira ng kanilang pamilya, hinamon na ilantad ang kasalanan

Kylie Padilla may parinig na sa hamon ng kanyang dating asawa na si Aljur Abrenica!