in

Ruffa Gutierrez may komento sa mga contestants ng ReiNanay na mahilig daw mangaliwa: “Bungi siya, nangaliwa pa siya!”

May nakakatawang reaksyon at komento ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa mga contestants ng ReiNanay na magilig daw mangaliwa.

Si Ruffa ay isa sa mga hurado ng segment ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Ang ReiNanay ay segment ng naturang show kung saan nagpapasiklaban ang mga nanay na may kanya kanyang talento.

Syempre, hindi mawawala na kamustahin at usisain ng mga hosts ang kanilang mga contestants.

Pero si Ruffa, mukhang nawiwindang sa ilang mga kalahok na may kwentong pangangaliwa at kabit!

Sa YouTube vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, hindi naiwasan ni Janice De Belen na ibahagi ang naging komento ni Ruffa sa isang guest ng nasabing segment.

“Sa ReiNanay Ng Tahanan ang daming kabit!” komento ni Ruffa.

Pagdagdag naman ni Janice, “Yung huli hindi niya kinaya (ni Ruffa). Sabi niya, ‘Oh My God, Ate Janice! Kaya ayoko na mag-asawa e. Diba mayayaman lang ang nangangaliwa? Ngayon pati mga mahihirap, mga bungi, mga pangit!’”

Natatawang sabi ni Janice na kapwa hurado ng aktres sa segment. Nalolokang reaksyon pa ni Ruffa, “Diba? Oh my God!”

Meron pa mga daw isang guest na asawa ng isang ReiNanay na nangaliwa pa kahit “bungi” na daw.

“Yung isang guest nating tatay dito (sa ReiNanay), bungi siya, nangaliwa pa siya!” nalolokang sabi daw ni Ruffa kay Janice.

Naalala niyo pa ba ang dating child star na si Goyong? Muli siyang viral dahil sa kanyang Tiktok video!

Matapos iwanan ang It’s Showtime, Direk Bobet Vidanes nilait umano sina Vice Ganda at Vhong Navarro