in

Naalala niyo pa ba ang dating child star na si Goyong? Muli siyang viral dahil sa kanyang Tiktok video!

Naalala niyo pa ba ang dating child star noon na si Goyong? Silipin ang kanyang pinagkaka abalahan ngayon!

Marami nang chil stars noon ang may kanya-kanyang buhay na ngayon. Karamihan sa kanila ay may tahimik nang buhay malayo sa industriya ng showbiz.

Isa na dito si Goyong o kilala bilang Steven Claude Goyong sa totoong buhay. Siya ay isa sa mga batang 90s na nag bigay aliw sa maraming manonood noon.

Nag umpisang makilala si Goyong nang sumali siya sa noon ay kumpetisyon na That’s My Boy sa long time running noon time show na Eat Bulaga.

Dahil sa natural na pagiging magiliw ng batang ito, hindi siya nahirapang kuhain ang loob ng maraming manonood.

Sa katunayan pa nga, nakilala siya lalo nang sayawin niya ang kanyang version ng kantang Pepito na ginamit niya bilang final performance noong Grand Finale ng That’s My Boy taong 1998.

Hindi pinalad si Goyong na masungkit ang grand prize noon pero hindi pa din siya bigo dahil nagtapos siya bilang 1st Runner Up.

Makalipas ang mahabang panahon, tila nagbalik tanaw ang dating child star sa kanyang naging kasikatan noon.

Sa kanyang Tiktok account, napagpasyahan niyang i-recreate ang sumikat niyang sayaw noon na Pepito.

Katulad noon, marami pa din sa mga netizens ang naalala siya at naaliw muli sa kanyang pagsasayaw.

Panuorin ang kanyang Tiktok video dito:

JOWA REVEAL? Piolo Pascual at Shaina Magdayao spotted na kasama ang couple na si Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago!

Ruffa Gutierrez may komento sa mga contestants ng ReiNanay na mahilig daw mangaliwa: “Bungi siya, nangaliwa pa siya!”