in , ,

JOWA REVEAL? Piolo Pascual at Shaina Magdayao spotted na kasama ang couple na si Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago!

Piolo Pascual at Shaina Magdayao, newest celebrity couple na nga ba?

 

 

Mukhang may bagong aabangan ang Mga netizens na maglalantad ng kanilang relasyon.

 

 

Viral ngayon sa social media ang mga larawan ng Hunk actor na si Piolo Pascual at aktres na si Shaina Magdayao.

 

 

Spotted kasi ang dalawa na kasama ang celebrity couple na sila Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria sa Bohol.

 

 

Pero bukod sa couple na ito, tila sweet na sweet din si Piolo at Shaina sa isa’t-isa. May mga umiikot ngayon sa social media na larawan ng ilang fans na nakapagpa picture sa kanila.

 

 

Sa isang larawan pa nga, makikitang nakayakap mula sa likod ni Shaina si Papa P katabi si Raymart at ang fan na swerteng nakapag picture kasama sila.

 

 

Bukod pa dito, may isa pang fan na nakapagpa picture naman sa kanilang apat. Makikitang magkatabi muli sina Shaina at Piolo.

 

 

Kung titignan, parang “clingy” ang dalawa sa isa’t-isa. Halos lahat ng pictures nila ay talagang magkatabi si Shaina at Papa P.

May isang picture din na makikitang magka holding hands ang dalawa.

 

 

Sa isa pang kuha, nakahiga ang Starting Over Again star sa legs ng aktres habang bahagyang nakahiga din sa dibdib ni Piolo.

 

 

Kung matatandaan noong 2018, nang magsimulang maging usap usapan sa social media ang kakaibang closeness nang dalawa.  Sa isang interview kay Piolo kay Pascual, maaalalang inamin niya na masaya sila na Shaina sa current status nila. Aniya,

 

 

“Eight years. Hindi matatawaran ‘yun. Shai and I have transcended whatever it is. We’re happy. You know, whatever happens, I know we’re going to stick it up together – stick it out with each other,” 

 

 

Maging ang ate ni Shaina na si Vina Morales ay napaamin din noon sa magandang samahan nang dalawa. Ayon sa singer/actress, masasabi niyang masaya sina Shaina at Piolo sa closeness na mayroon sila.

 

 

At hindi niya ahahadlangan man kung ano ang maging pasya ng kanyang kapatid.

 

 

Nagkakamabutihan nga ba ang dalawa? O isa lang din itong Bohol trip “as a friend?”

 

 

Janella Salvador, ginulat ang marami sa kanyang “balik alindog” matapos manganak sa kanyang first baby na si Jude

Naalala niyo pa ba ang dating child star na si Goyong? Muli siyang viral dahil sa kanyang Tiktok video!