in , ,

Janella Salvador, ginulat ang marami sa kanyang “balik alindog” matapos manganak sa kanyang first baby na si Jude

Janella Salvador, balik alindog nang muli matapos ang ilang buwan nang isilang ang unang anak na si baby Jude Trevor!

 

 

Bumabalik na muli sa dati niyang physique ang aktres na si Janella Salvador.

 

 

Matatandaan na marami ang pumuna sa pagkadagdag ng timbang ng young actress matapos itong mag buntis at manganak sa panganay nila ng kanyang nobyo na si Markus Paterson.

 

 

Isinilang ni Janella ang kanyang healthy baby boy na si Jude Trevor noong October 2020.

 

Janella Salvador ibinahagi kung gaano kasaya ang buong araw niya habang alaga ang kanyang anak

 

Kapansin pansin naman ang naging weight gain ni Janella na talaga namang napuna ng karamihan.

 

 

Bagamat natural lamang ito, hindi pa din naiwasan na maraming naging komento kay Janella tungkol dito.

 

 

Sa kanyang Instagram, nagbahagi ng kanyang saloobin at pinagdaanan ang Kapamilya actress sa naging pagbabago sa kanyang katawan.

 

 

 

“I lost all the remaining ‘vanity’ I had in me the moment Jude came into my life. My life revolved around him.”

Aminado ang first time mom na ibinuhos niya ang kanyang sarili sa pag-aalaga sa kanyang anak.

 

 

Kinailangan daw niyang magsuot nang malalaking damit pagtapos niyang manganak dahil nadagdagan siya ng 40 pounds.

 

 

Pero dumating na daw sa punto na napagtanto ni Janella na hindi niya din pwedeng pabayaan ang sarili kahit siya ay may anak na.

 

 

Ngayon, makikita ang naging improvement ng kanyang pangangatawan matapos ang halos isang taon nang siya ay manganak.

 

 

Sa kanyang goal na maibalik ang dating pangangatawan, nag focus ang aktres sa kanyang goal, with hard work and dedication.

 

 

Makikita ang kanyang getting back in shape body sa mga uploads niya sa Instagram.

 

 

 

 

Sa katunayan, nag dance prod na si Janella sa ASAP noong nalipas na Linggo. Kitang kita na ang nagbabalik niyang magandang pangangatawan!

 

 

Basta talaga ginusto mo at nag focus ka, mangyayari ang mga bagay na inaakala mong mahirap. Any tips Janella?

 

Alex Gonzaga ibinahagi na ang nakakalungkot na pangyayari sa buhay nila ng asawang si Mikee Morada

JOWA REVEAL? Piolo Pascual at Shaina Magdayao spotted na kasama ang couple na si Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago!