in

Sharon Cuneta naglabas ng sama ng loob sa pagkawalang respeto umano ng mga Pilipino: “Lumabas pagkabast0s”

Naglabas ng sama ng loob ang Mega Star na si Sharon Cuneta sa pagkawalang respeto umano ng madaming Pilipino.

Sa kanyang social media, hindi na napigilang maglabas ng hinaing ng aktres tungkol sa pangbabast0s umano ng ilang netizens.

May kinalaman ito tungkol sa pagtakbong Vice President ng kanyang asawa na si Kiko Pangilinan para sa Halalan 2022.

Si Kiko ang napintigang maging ka-alyado ni Vice President Leni Robredo para sa kanyang pagtakbo sa Presidential election para sa darating na halalan.

Bilang asawa, nagpahayag ng buong suporta si Sharon para sa Leni-Kiko candidacy sa 2022 election.

Pero tila inulan ng negatibong komento ang naging pag suporta niya sa kanyang asawa.

Sa kanyang Instagram, pinost muli ni Sharon ang postcard nina VP Leni at Sen. Kiko.

Dito, inihayag niya ang kanyang pagkadismaya sa mga Pilipino na nawalan na umano ng respeto.

Inasahan na daw niya ang “trolls at haters” sa kanyang post.

Aniya, “Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino.”

“Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t-isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo? Nasaan na ang tunay na bayanihan? Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na,” dagdag niya.

Daing ni Sharon, sana daw ay bumalik ang pagka “disente” ng mga Pilipino kung saan marunong rumespeto ng political views ang lahat kapag daw ay halalan na.

“I found the one” Arjo Atayde at Maine Mendoza napagusapan na ang KASAL! Iba pang detalye alamin!

Alex Gonzaga ibinahagi na ang nakakalungkot na pangyayari sa buhay nila ng asawang si Mikee Morada