in

Jennica Garcia ibinunyag na malaki ang posibilidad na magkabalikan na sila ni Alwyn Uytingco

Aminado ang Kapuso actress si Jennica Garcia na malaki ang chance na magkabalikan na sila ng dating asawa.

Matapos ang hiwalayan nila noong Mayo, inihayag ni Jennica Garcia na nag-uusap na silang muli. Ng kaniyang estranged husband na si Alwyn Uytingco.

Sa naging panyam ng aktres sa 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni Jennica na nagpag-uusapan nila ni Alwyn ang posibilidad na magbalikan sila.

“I am very thankful to Jesus because he heard my prayers. He gave me what I was waiting for—Alwyn to come back for us. He expressed his desire for family restoration,” ayon kay Jennica.

Pebrero 2014 nang ikasal sina Alwyn at Jennica at nagbunga ng dalawang magagandang chikiting ang kanilang pagmamahalan na sina Athena at Alessi.

Mayo 2021 naman nang ibinahagi ni Jennica na lilipat na sila ng bagong bahay at ibinenta na rin lahat ng kanilang kagamitan para sa kanilang “fresh start”.

Matapos ang ilang mga linggo ay inamin na nitong hiwalay na nga sila ng asawa.

Una nang nilinaw ni Jennica na hindi pera ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Hindi rin niya nais na magmukhang masama ang kaniyang dating asawa.

Naging maingay rin ang pangalan ng aktres sa mga nagdaang buwan lalo na nang sinupalpal nito ang isang netizen.

Na tumawag sa kaniyang sinungaling dahil namataan silang magkasama ni Alwyn matapos ang kanilang paghihiwalay. Umabot pa nga ng three parts ang kaniyang posts dahil na rin sa gigil sa mga pakialamero sa kanilang buhay.

Sa nagdaang Instagram posts, humingi naman ng paumanhin si Alwyn kay Jennica. Inamin din niyang nami-miss niya ang kanilang anak na sina Athena Mori at Alessi.

Narito ang kanyang interview:

In 27 years na pagsasama, Gretchen Barretto binunyag na ‘ginagamit’ lang pala siya ni TonyBoy Cojuangco

Bea Alonzo tila may pinapatamaan na ex-boyfriend sa naging script niya sa Bubble Gang