in

Bea Alonzo tila may pinapatamaan na ex-boyfriend sa naging script niya sa Bubble Gang

Hugot nga ba o script lamang ang naging linya ni Bea Alonzo sa guesting niya sa ‘Bubble Gang?’

Maliban sa napakaraming acting award na natanggap bilang isang drama actress. Kayang kaya din ni Bea ang mag-comedy.

Pinabilib ng dalaga ang mga pambatong komedyante ng Kapuso Network. Nang mag-taping siya para sa longest-running gag show na “Bubble Gang.” Na pinangungunahan pa rin ng comedy genuis na si Michael V.

Talagang nakipagsabayan daw ang girlfriend ni Dominic Roque sa pagpapatawa. Ng buong tropa ng “Bubble Gang.” Hindi raw nagpatalbog si Bea at pinatunayang pwede rin siyang maging komedyana.

Kasabay ni Bea na nag-guest si Herlene Budol na nakilala sa Wowowin bilang si Hipon Girl.

Sa post ni Bea sa Instagram Story, excited na siya makigulo sa taping ng Bubble Gang nito lang Lunes.

Wala pang nabanggit kung kailan ang airing ng guesting ni Bea sa Bubble Gang na sumunod sa guesting niya sa The Boobay and Tekla Show.

Pero agad na naging usap-usapan online ang naging teaser ng kanyang guesting. Ito ay dahil sa mga hugot lines tungkol sa ex-boyfriend.

Na inagaw umano ng iba makatapos niyang mag-ivest ng maraming bagay.

Base sa linya ng script saad ni Bea, “Ang dami ko nang na-invest sa kanya. Ang dami na naming oras na napagsamahan. Tapos, siyempre, ang dami ko nang mámahaling regalong naibigay sa kanya. Tapos… aagawin lang s’ya ng iba!”

Kaya naman nag-viral agad ito at patok na patok sa mga netizens dahil tila bagay na bagay daw kay Bea ang mga linya na iyon.

Double meaning nga daw ang linya ng aktres dahil nangyari ito sa kanya sa totoong buhay.

Panoorin dito ang video clip teaser:

Jennica Garcia ibinunyag na malaki ang posibilidad na magkabalikan na sila ni Alwyn Uytingco

Ivana Alawi inamin na madalas silang magkausap ni Joshua Garcia sa Instagram, walang balak i-vlog ang kanyang future boyfriend