in ,

Carmina Villaroel, kinumpara si Julia Montes sa ‘b4st0s’ na young actress na ayaw niyang makatrabaho

Kamakailan lang ay naibahagi ni Carmina Villaroel ang hindi magandang karanasan tungkol sa isang batang aktres na ayaw niya raw makatrabaho dahil sa kawalan ng respeto umano nito.

 

 

Ayon kay Carmina, ‘disrespectful’ umano para sa kanya ng naturang aktres na hindi nito pinangalanan. Mahalaga para sa aktres ang paggalang sa mga nauna sa industriya o nakatatandang artista.

 

 

Kaya hindi niya raw nagustuhan ang animo’y hindi paggalang sa kanya ng naturang batang aktres.

“So, yun na nga, going back to my story, yung particular artista na ‘to, magkatabi na kami. Ni ha, ni ho, wala… As in walang hello. Parang, ‘Ano ‘yan? Bakit ganun?’ So, talagang sabi ko talaga, ‘I will never work with this artista.’

 

 

“Hindi ko pa siya nakakasama. It was just a one-time [thing]… it was an event somewhere.”

“I did not confront that artistang girl. Again, hindi ko siya kinonfront… Parang medyo pinangako ko sa sarili ko na ayoko siyang makatrabaho, kasi medyo disrespectful siya. Dahil hindi siya marunong bumati.”

 

 

Ayon kay Carmina, importante umano sa kanya na magpakilala ang isang batang artista sa mga nakatatanda. Ganito raw ang ginagawa niya noong nagsisimula pa lamang din siya ngunit, hindi niya naman umano sinasabi na ganito din ang gawin sa kanya ngayon ng mga bagong artista.

 

 

“Hindi ko talaga masyadong gusto yung pagiging disrespectful. I’m not saying na when you see me, you have to kiss me, but just acknowledge my presence. ‘Hello po, Miss Carmina. Ako po si Ganito.’ Or kahit from afar, ‘Hello!’

 

 

“Hindi ko sinasabing mag-kiss ka sa akin. But just acknowledge that I’m there na hindi naman ako parang hangin, na parang hindi mo ako nakikita. So, medyo nao-off ako sa mga taong ganun, e.”

 

 

Samantala, kaugnay nito ay naikwento naman ni Carmina ang isa ring batang aktres na nagustuhan naman niya dahil sa pagiging magalang nito. Noong una ay ayaw niya pa itong pangalanan ngunit, kalaunan ay isinaad din nito kung sino ang kanyang tinutukoy.

 

 

Ito ay si Julia Montes na talaga naman umanong binigyang papuri ni Carmina. Pagbabahagi pa nito tungkol kay Julia,

 

 

“Kaya ko tuloy na-compare dati… kasi may isang artistang babae na di ko pa rin nakikilala, di ko pa rin nakakatrabaho. But [she] went up to me and said, ‘Hello.’ And she introduced herself. That’s why nakita ko pa yung comparison. ‘Tingnan mo ang batang ito. Ito lumapit.’

 

 

“[She] went out of her way, ha. Hindi ko siya katabi. Nandoon siya sa kabilang end, but she still went to me kahit busy na siyang nagmi-makeup and all that. She still went to me and said, “Hi,’ and introduced herself. Simula nun, love ko na siya…

 

 

Dito na nagsimulang matipuhan ng aktres si Julia Montes.

“Tapos because of that incident, because of that small gesture that I appreciated so much, naghanap ako ng photo niya, pinost ko siya sa Instagram. At naglitanya talaga ako. All praises sa kanya, ‘Sana one day, you know, I can work with you, chu-chu-chu-chu-chu…’

 

 

“So, Julia is like a little sister. So, talagang hindi ko makakalimutan yung gesture na ganoon.”

 

Ate Chona daw? Andrea Brillantes, namimili di umano ng kaibigan sa showbiz, Ogie Diaz may mensahe para sa batang aktres

In 27 years na pagsasama, Gretchen Barretto binunyag na ‘ginagamit’ lang pala siya ni TonyBoy Cojuangco